Chapter 18 ~Caught By Chance

27 25 0
                                    




Balisa si Tyron ng gabing iyon. Ilang oras na siyang pabaling-baling sa higaan, wala pa si Hezron kaya nag-aalala siya para rito. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong takot at kaba. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi niya matawagan si Hezron dahil naka-off ang cellphone nito at si Priscille naman kanina niya tinatawagan hindi rin sumasagot, ring lang nang ring ang phone nito. Kahit sa messenger hindi man lang mag-seen.


Napagpasyahan niyang puntahan si Priscille sa bahay nito at alamin kung may nangyari ba pero ng lumabas na siya ng sala para kunin ang susi ng sasakyan ay saka naman may kumatok mula sa labas.


“What happened?” Gulat si Tyron ng pagbuksan niya si Hezron, amoy alak at pasuray-suray na pumasok sa loob ng kanilang apartment. Hating-gabi na ng umuwi ito. Dumaan siya sa night club para magpakalasing at ibuhos ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman. Hindi naman siya naging masaya sa nangyari. He is feeling guilty towards his cousin.


“Saan ka galing?” tanong ni Tyron.


“Sa night bar,” maiksing sagit ni Hezron ngunit malalim na titig lang ang tugon ni Tyron, alam niyang may hindi sinasabi si Hezron.


“Kumain kana?” tanong ni Tyron at tango lang ang isinagot ni Hezron.


“What happen?” tanong niya ulit.


“Galing ako kanina sa bahay nila Priscille diba? Bumalik na siya, kuya. Bumalik na ang ama ni Cecille,” pagkuwento niya sa pinsan na halos matumba naman ito sa kinatatayuan. ‘Bumalik na si Onyx,’ nakakalungkot na balita ang sasalubong sa gabi niya. Pagod pa naman siya dahil overtime sa trabaho tapos ganito pa ang mababalitan niya.


“How about Priscille? Bakit iniwan mo sila doon? Dapat sinamahan mo na lang dahil baka anong magyari sa mag-ina,” nag-alala si Tyron. Ang hindi niya alam may nangyaring hindi inaasahan sa pamamahay na iyon kaya siya napilitang umalis.


“She’s okay. Pinapalayas niya si Onyx sa bahay and I think she’s seriously mad at him,” saad pa ni Hezron.


“Pupuntahan ko siya,” giit ni Tyron.


“No. Kuya. Huwag na ngayon dahil gabing-gabi na at may pasok pa si Cecille kinabukasan at ganoon rin si Priscille, kaya kung gusto mong i-check ay tawagan mo na lang siya or i-message,” suhestiyon ni Hezron na mukhang may punto naman ito kaya nanatiling nakaupo si Tyron sa higaan nito at sabay kuha ng kanyang cellphone para kumustahin si Priscille.


Pero bakit naglasing ang pinsan niya ng dahil lang roon? Dahil bumalik si Onyx? Nasasaktan ba ito para sa kanya? Dahil magiging imposible nang magkatuluyan sila ni Priscille? Or something happen beyond his back? May nangyayari ba na hindi niya alam? Kinakabahan siya pagsulpot ng mga tanong na iyon sa utak niya.


Parang kakaibang Hezron ang umuwi ngayong gabi. May bahid na lungkot ang kanyang mga mata at mukhang galing pa sa pag-iyak. Hindi niya na rin kase mapigilan ang sarili kaya hindi niya na nakontrol ang sarili para kay Priscille. He is waiting for that moment to come pero mukhang wrong timing pa, pero kung nahuli ba siya ng dating ay baka siya ang nasasaktan ngayon dahil bumalik na ang ama ni Cecille.



***

After the night that full of sweet memories, Priscille avoiding Hezron at all cost. Nag-aalala siya para rito dahil alam niyang nagmamasid lang si Onyx sa kanila, hindi ito basta-basta susuko para sa anak nila, para kay Cecille at minsan ng naikuwento ng school guard na may nagtatangkang lumapit kay Cecille tuwing palabas na ito sa gate buti na lang daw ay nakita ni kuya guard kaya sobrang pag-iingat ang ginagawa ni Priscille.


Maaga siyang pumapasok sa hospital para payagan rin siyang umuwi ng maaga dahil sinusundo niya pa si Cecille sa school. Nag-ooffer sana si Tyron na siya na lang maghatid-sundo kay Cecille kagaya ng dati pero tinanggihan niya na ito dahil nahihiya na siya kay Tyron at guilty na siya sakaibigan dahil pakiramdam niya ay niluluko niya ito. Kaya hanggat maari ay iiwas na siya sa bestfriend niya.


Ilang linggo pa ang nakalipas ng walang Onyx na nagparamdam ulit sa kanya. Nakahinga na siya ng maluwag at walang pag-aalala pero hindi pa rin siya kampante para kay Cecille. Mahigpit niyang ipinagbibilin sa tagapangalaga nito na huwag ng lalabas kapag madilim na lalo ngayong night shift na naman ang schedule niya. Hindi naman puwede na makipag-change shift siya dahil nakakahiya na sa mga katrabaho niya.


Mabilis ni Priscille pinapatakbo ang scooter dahil medyo madilim na siyang umalis sa kanyang bahay. Hinatid niya pa kase si Cecille sa bahay ng yaya nito kaya medyo late siyang papasok. Nakakaramdam siyang kaba dahil may nakita siyang kotse na parang nakabuntot sa kanya. Hindi siya mapakali habang nagda-drive, hindi niya alam kung anong gagawin medyo may agwat pa naman ang kabahayan sa lugar na iyon kaya halos walang tao sa gilid ng kalsada.


Wala siyang sinayang na oras sa pagmamaneho, mabilis niyang tinahak ang kahabaan ng highway papunta sa hospital. Atleast doon safe siya kapag nasa loob na siya ng building at ilang minuto pa ay nakarating na siya sa paroroonan. Mabilis niyang iginarahe ang scooter at pumasok sa loob ng hospital. Hindi pa rin maalis ang kaba niya kaya wala sa isip na kinuha niya ang phone at may tinawagan.


“Hey?” mabilis na nasagot ang tawag niya at tila nanghina siya ng marinig ni Priscille ang boses nito.


“Someone tailing me. I’m going to work,” pagsumbong niya rito.


“Stay there. Sasamahan kita d’yan,” saad ng nasa kabilang linya at walang sabing pinutol ang tawag niya. Hindi alam ni Priscille kung bakit siya ang tinawagan niya. Simula ng gabing iyon ay hindi na mawala sa isip niya si Hezron kaya siya agad ang unang pumasok sa isip niya para tawagan.


“Where are you?” Isang mensahe ang natanggap ni Priscille pagkalipas ng ilang minuto. Hindi pa naman siya tumutuloy sa office niya dahil isang oras pa bago mag-out ang kapalitan niya. Medyo napaaga lang talaga ang punta niya sa hospital.


“Locker room.” Nanginginig ang kanyang kamay na sinagot niya ang mensahe ni Hezron.


“Are you okay?” tanong ni Hezron na mabilis nakarating sa kinaroroonan niya. Nakatayo ito sa harapan niya habang marahan na hinawakan ang balikat niya. Hindi agad nakasagot si Priscille napatingala ito kay Hezron na halos maluha dahil sa halo-halong nararamdaman.


“Hindi ka okay,” bulong ni Hezron at mahigpit na niyakap si Cecille at hinalikan pa sa noo. Yumakap din ito sa kanya ng mahigpit at nanatiling nakaupo, nanginginig ang mga tuhod.


“Nandito lang ako, hindi ako aalis,” pag-aalo ni Hezron kay Priscille.


“Do you love me?” napakunot-noo si Hezron ng marinig ang tanong ni Priscille sa kanya. Seryoso? Tinatanong talaga iyon? Kumawala siya sa pagkakayakap kay Priscille at tinitigan ito.


“I love you, siyempre,” he replied then followed a kiss by him that filled with so much love and affection. Hinayaan lang siya ni Priscille na gawin ang bagay na iyon. She actually needed comfort in this kind of situation.


“Kinakaya ko na hindi ka makita dahil naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo pero hindi ko kakayanin na hindi ka mahalin. Ok. I can’t resist,” Hezron say and he gave her another deep kiss and embracing her so tight. Tumugon naman si Priscille sa ginawa nito. Mga yakap na sobrang pananabik sa isa’t-isa.


“I patiently waiting for you until you become okay again. Hindi naman ako nagmamadali na makuha ka e’ kaya kitang hintayin kahit gaano pa katagal,” giit ni Hezron.


“Pumasok ka na. Okay lang ako rito. Hihintayin kita,” saad ni Hezron na sinusubukang pakalmahin si Priscille.


“Thank you...” ani Priscille.


Despite the rejection and avoiding each other, they both know they can’t defeat determine feelings for each other, Priscille and Hezron realized that their connection was too strong to ignore. They decided to take a leap of faith and embrace their love, even if it meant enduring the hardships of a secret relationship.

Courage To Let Go( Completed )Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin