"Sandy! apo! pumarito ka at may ipakikita ako sa'yo!."
Dali-dali naman akong pumunta sa kinaroroonan ni Lola Celing. Siya na lang kasi ang natitira kong kapamilya mula nang mamatay si Tatay Selio at hindi naman ako nagkaroon ng tyansang makita ang nanay ko sapagkat ayon sakanila iniwan na ako kay tatay pagkapanganak pa lang niya sa akin.
"Ano po ba iyon lola?."
Nagtataka kong tanong pagkalapit ko sakanya.
Nakita kong may hawak siyang isang mahabang kahon na kulay pula. Meron itong laso at nagmumukha itong regalo dahil doon. Paborito ko ang kulay pula at alam ito ni Lola.
"Apo, gusto kong ibigay ito sa iyo ngayon. Regalo ko yan sa iyo pagdating ng ika-labing-walong taong kaarawan mo." Ngumiti siya at hinaplos ang aking pisngi.
"Eh lola antagal pa nun! twelve pa lang ako ngayon oh, six years pa ang hihintayin ko bago ko mabuksan yan. Ano ba iyan lola at bakit ibinibigay mo po agad sa akin?."
Napahalakhak naman siya sa tanong ko. Hindi ko pa rin ma gets ang Lola tinatanong ko ng maayos tatawanan lang ako! Hmp! Pagbigyan at matanda na.
"Haha! naku ka talagang bata ka! Basta huwag ka nang maraming tanong. Malalaman mo rin sa tamang panahon basta't huwag na huwag mo yang bubuksan hangga't hindi ka pa labing-walong taon."
Hinawakan ko naman ang kahon at napapaisip kung anong laman noon. Napabuntong hininga ako at tsaka tumango kay lola.
"Sige po lola, promise!." Itinaas ko pa ang kanang kamay ko at napatawa na naman si lola at niyakap ako.
"Basta Sandy ah, kahit anong mangyari iingatan mo yan, diyan ka makakakuha ng magandang kabuhayan at magandang future."
Nagtaka na naman ako sa sinabi ni lola ngunit darating din ang araw na maiintindihan ko lahat ng iyon at sana lang mabuti ang maidudulot nito sakin.
(This book is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.)
@WenieNaaa02
ESTÁS LEYENDO
Sandy and the Magic Sandok (ON-GOING)
Fantasía("Sa bawat halo, Sa bawat sangkap, Sa bawat pagluluto, Ito ay sasarap, Sa tulong ng Magic Sandok, pagkain mo'y swak na swak!.") - Sandria Ymelia "Sandy" Marquez. ("Masarap yung pagkain lalo na yung nagluto *wink*") - Kenzo Alexander Lovenia
