Nagsimula na rin akong kumain habang pinagmamasdan pa rin siya.
"Aren't you... awkward?" mabagal ko'ng tanong.
Nilingon niya ako dahil doon at lumapit sa lamesa.
"No! Wait... are you?" bahagya siyang nag-isip, "Don't be. I'm so proud of you, Mahal."
'Di ko mapigilang kiligin kaya dinaan ko na lang sa pagkain. Nang mapansin iyon ni Haley ay malakas lang itong tumawa.
"Ano nga pala pinagusapan niyo ng kaibigan mo?" balewala niyang tanong ng makabawi.
Napaangat ulit ako ng tingin, napansin ko'ng tumigil siya sa pagkain at pinaglaruan na lang ang kutsara, kunwaring kumukuha ng kanin.
Si Nika? Sumubo muna ako ng isang kutsarang kanin bago sumagot.
"She told me she'll help me with my walk." I simply said.
Nagpatuloy siya sa pagkain, "I don't know anything about pageants either... so I'll give her that."
"Huh?" tanong ko dahil hindi ko masyadong narinig yung sinabi niya.
"You'll definitely do good. I can't wait to watch you grace that stage," aniya lang.
Natapos na kaming kumain. Tulad ng nakagawian, hinatid ko muna si Haley bago ako pumasok ng room.
Nang nasa CMBT building na ako, saktong nakita ko sa bulletin board ang mga pangalan ng players at representatives sa darating na intrams.
"Beatriz Carilaisle Sandoval."
Nilingon ko yung nagbasa ng pangalan ko sa board. Nakalagay nga doon na ako ang representative sa Mr. & Miss, samantalang hindi ko naman kilala yung sa lalaki.
"Nice to finally meet you in person, Beatriz. I'm Gab, by the way," aniya at naglahad ng kamay.
Kahit nagtataka ay nakipag-kamay ako. Nangunot ang noo ko ng maramdamang pinisil niya ng bahagya ang kamay ko bago bitawan.
"Good luck on the competition," bati niya ng may maaliwalas na ngiti.
Ngumiti rin ako. She's pretty, I wonder now, why they didn't choose her and picked me instead. Naalala ko yung sinabi ni Jodi kaninang umaga, ngayong kaharap ko siya ay parang wala namang katotohanan ang pinag-usapan namin kanina. She seems nice... or not.
"Thank you," I said curtly and smiled back on the three girls she's with.
Nawala ang ngiti ko ng makitang mula sa maamo ay unti unting naging matapang ang mukha ng kaharap. Mula sa maamong ngiti ay naging sarkastiko ito.
"I hope they won't make fun of our college..." ngayon ay nakaingos na sabi nito, "I don't see anything special with you."
Natikom ko ang bibig ko. I pinched my thumb so I can stop myself from talking back. I am raised a fighter but I surely know how to pick my battle and this is definitely not my battle but I am not raising a white flag, neither.
Kahit medyo naasar sa sinabi ay nginitian ko pa rin siya. You should know that a way to a bitch's pride is to smile triumphantly.
Inayos ko pa ang ngiti ko ng makita ang pag-ngiwi niya. See that?
"I hope so, too," matapang kong sabi saka sila tinalikuran.
Bago makalayo ay narinig ko pa ang huli niyang sinabi sa mga kasama, "I'm so disappointed."
"Well, I am, too, is so disappointed that I actually taught of you being a nice person." I whispered, hoping that the wind would send my message to her.
Bago pumasok ng room ay ilang ulit muna akong huminga ng malalim. Sometimes, I thank myself for having a lot of patience.
Tahimik akong umupo sa upuan ko kaya hindi ako agad napansin ng babaeng lampa, abala siya sa pakikipag-usap sa iba naming kaklase.
"Oy, andiyan ka na pala."
Saka pa lang niya ako napansin ng pumasok na ang subject teacher namin.
Tumango lang ako at nanahimik buong durasyon ng klase.
Nang natapos na ang discussion ay saka lang gumaan ang pakiramdam ko at ipinagkibit balikat na lang ang nangyari kanina. I have a lot on my hand right now, and dealing with some bitch is not on my list.
Bago umalis ay kinausap muna ako ni Nika na sisimulan na daw namin ang pageensayo ng pagrampa sa isang araw. Pinayagan daw kami na gamitin ang auditorium. Tango lang ako ng tango sa kaniya kaya saglit lang kaming nag-usap, nahalata siguro niyang wala ako sa mood.
Tinext ko na rin si Haley na mauna na ako sa parking. Alas kwatro y media na rin kaya baka malapit ng matapos ang klase niya. Saglit lang akong naghintay kaya mga bandang alas sinco ay nakauwi na kami sa apartment.
Naikwento ko na rin sa kaniya ang encounter namin ni Gabrielle Wong. Haley knows her because she's an ex-girlfriend of Luis.
A bitch and an asshole. What a perfect combination, why don't they get back together and pester each other forever.
Magkaparehas lang kami ng opinyon ni Haley tungkol sa babaeng iyon na huwag na lang pansinin.
Nang makapagbihis ng damit ay naghahanda na si Haley na magluto kaya nagpasya ako na manood na lang ng TV habang naghihintay pero bago iyon ay kinulit ko muna siya.
"I love you... I love you... I love you..." Sabi ko habang pinapatakan siya ng mumunting halik.
Tawa lang ng tawa si Haley sa kakulitan ko. She then hugged me tightly.
"I love you," ganti niya saka ako binigyan ng malalim na halik at buong puso ko namang tinanggap.
Tatlong patak ng halik pa sa labi bago lumayo ng tuluyan, "Tigil na, nakakarami ka na!" natatawa niyang pahayag bago ako tinalikuran.
"Last na," sabi ko saka ko siya ulit kinabig sa isang halik.
Dahil walang magandang palabas ay nilipat ko na lang ang channel sa Cartoon Network at naisipang i-chat ang GC namin nila Cy. Natawa pa ako ng makita ang bagong pangalan ng GC: Power Pop Girlzzz.
Beatriz Carilaisle Sandoval:
Hoy! Support niyo ako sa Mr. & Miss, ah?
Wala pang ilang minuto ay sunod sunod na agad ang reply na natanggap ko sa dalawa.
Cyril Aleesa Chiong:
OMG! I'm so proud of you, friend!
Natuwa ako noong nabasa ko ang reply ni Cy ngunit nauwi iyon sa malakas na tawa ng mabasa ko ang kay Iris.
Iris Lorielle Samaniego:
What. The. Fucking. Fuck.
I know right, that's exactly my reaction, Iris.
Nilingon pa ako ni Haley ng marinig ako kaya inilingan ko lang siya. I'm just happy, Mahal.
Dahil doon ay tuluyan ng nawala sa isip ko ang nangyari kanina ngunit ang hindi ko alam ay may mas malaking problema pa pala ang nag-aabang sa labas ng apartment.
Natigil ako sa pakikipagkulitan sa GC ng may mag-door bell. Sumungaw ang ulo ni Haley mula sa hamba ng kusina.
"Open it, Bea," aniya.
"Are you expecting a visitor?" tanong ko, nakakunot ang noo.
Tinignan ko ang wall clock, alas sais y media na.
"No. Maybe my parents or someone important. Check the peephole first."
Sinunod ko nga ang sinabi ni Haley kaya laking gulat ko ng maaninag ang mukha ni Yaya Sally. Am I hallucinating?
"Sino daw?" muling tanong ni Haley mula sa kusina na hindi ko nasagot dahil muling tumunog ang doorbell.
Chineck ko pa muna ang phone ko pero wala namang message doon sila Mommy na may pupunta dito.
Nang buksan ko na ang pinto, mas lalo akong nagulat kasabay ng pagsibol ng kaba sa dibdib.
"Mommy?!"
YOU ARE READING
If Only (Rainbow Series #1)
RomanceRainbow Series #1 This story is all about acceptance. Accepting that there are things we can't control... one of that is falling in love with the same gender :) --- For two people, the world keeps tearing apart. Is the love they have enough to fight...
Chapter 13
Start from the beginning
