Chapter 5

566 29 2
                                    

Naghintay muna ako ng ilang minuto bago tuluyang lumabas ng kwarto. Hinintay ko muna na tuluyang makaalis sila mommy bago bumaba para kumain. I don't want them to see me like this, crying and hurting.

Pagkadating ko sa dining room, naabutan ko don si yaya Sally na inililigpit ang pinagkainan nila mommy na nalaman kong kaaalis lang dahil sa pagpasok ng isang kasambahay namin mula sa pagbubukas ng gate para makalabas ang kotse.

Nilapitan ko si yaya at niyakap. "Ya Sally, please don't tell mommy about me crying earlier when I got home." Nasanay nako na ganto kay yaya, sa kanya kasi ako halos lumaki dahil na rin sa trabaho nila mom.

Kahit nagulat, gumanti din siya ng yakap at hihimas yung likod ko "Bea, anak. Hindi ko maipapangako pero kung ano man yan, ayokong nakikita kang nasasaktan. Aba kahit me edad na ang yaya Sally mo kayang kaya ko pa namang pakinggan ka at unawain kahit maliit na problema pa yan. Basta, anak tandaan mo hindi ka nag-iisa. O siya, kumain kana at ipaghahanda kita."

I'm touched . I really love my yaya Sally, she's one of the best. Kumalas na din ako sa pagkakayakap at tumatangong ngumiti sa kanya. Sana nga yaya hindi ako maiwang nag-iisa sa huli.

Kinabukasan, dahil 1:30 pm pa naman ang sunod na klase ko, naisipan kong pumunta nalang sa playground at umupo sa medyo kinakalawang na swing. Actually, para nalang siyang bakanteng lote sa likod ng school, dahil hindi na naalagaan. Sino ba naman ang gagamit ng playground kung puro college students na ang andito? Hindi naman nakakatakot kahit walang katao tao, dahil naging garden na din ito, iba't ibang halaman at bulaklak ang tumubo sa paligid.

Hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kahapon, Haley's so mad at me and I know she's hurting because of Luis. And I don't know the reason, that's the problem.

I want to talk to her again but I can't, yet. Kahit na mababaw pa lang ang napag-usapan namin, it still hurts. It stings.

Gustong-gusto kong ayusin kami ni Haley, pero bakit parang ang hirap nang ibalik yung dati? Kasi ako mismo bibigyan ko na ng malisya lahat.

Napabuntong hininga na lang ako at nag-angat ng tingin mula sa pagkakayuko mula pa kanina SHT!

"OH SHT! YOU SCARED THE HELL OUT OF ME!"

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Akala ko si Haley lang nakakapag-papabilis nito.

The girl laughs like there's no tomorrow. "I'm... sht! sorry, I didn't mean to scare you. Kanina p-pa ko sa... harapan mo pero mukhang ang lalim ng iniisip mo kaya d-di na kita tinawag ulit, hinintay nalang kita na makita ako." She explained, patuloy pa din sa pagtawa.

"Stop laughing. Who are you? What do you need? Why are you here? How'd you know this place?"

Binigyan ko pa siya ng ilang minuto para magtigil sa pagtawa. Hindi ko maiwasang pagmasdan siya, gumala ang tingin ko mula sa kanyang mukha, magandang mga mata, matangos na ilong, masayahing awra. She's pretty, but Haley's prettier for me. Mukhang transferee lang siya, kasi di ko siya namumukhaan. Sabagay, ang laki nga naman ng university para makilala at mamukhaan ko lahat psh.

"Okay, isa isa lang. I'm new here, medyo naligaw. No, naligaw talaga kaya napadpad ako dito, nung una matatakot na talaga ako kasi ang creepy lalo na may nakaupo sa swing na hindi gumagalaw which is ikaw. But then, lumapit pa din ako tapos ayon you were so preoccupied you didn't hear me when I called you once."

Nakatingin pa rin ako sa kanya. Is that it? Now may nakakaalam na ng lugar na'to, haaay.

I stood up, umatras naman siya ng konti.

If Only (Rainbow Series #1)Where stories live. Discover now