"Oo... naman..."
Lalong lumaki ang ngisi ko.
"Really?" pangungulit ko saka nilapit ng bahagya ang mukha sa kaniya.
"Y-yes..."
"Why not, you represent our college? You're prettier than me, I'm sure you'll qualify."
"P-pretty? Me?" Aniya sabay tingin sakin.
Napalunok ako.
Noon ko lang napansin ang pagkakailang niya kaya lumayo ako, bahagyang pinamulahan ng pisngi, naiilang na rin.
I cleared my throat.
"Are you up for it?" tanong ko muli ng makabawi.
After a minute of silence, she suddenly put her hands on her waist and looked at me with furrowed brows.
"Of course not, Cari. Huwag mo ako bolahin."
I pursed my lips, "But it's true, you're pretty."
Dahan dahan niyang naibaba ang kamay. Pansin ko rin ang panginginig ng labi niya.
"Are you okay?" tanong ko.
Bumuntong hininga ulit ako. Not because I'm pressured means I can pressure her, too.
"Bea?"
Sabay kaming napalingon sa pinto ng may magsalita. Nanlaki ang mata ko ng makita si Haley. Shit! Sabay nga pala kaming magla-lunch.
Agad kong tinignan ang pambisig na relo, it's lunchtime!
"Haley!" sabi ko saka kinuha na ang bag.
Bago umalis ay nilingon ko muli si Nika, nanatili siya sa kinatatayuan.
"Uh, una na ako, Nika. Sorry for bothering you," hingi ko ng paumanhin, "Help me, okay?" dagdag ko bago tumalikod.
Tumango lang siya kaya pinuntahan ko na si Haley sa pinto.
"Hey, I'm sorry. I'm just preoccupied with the Intramurals. Let's go?" Aya ko saka hinawakan na siya sa palapulsuhan.
Tumango naman siya ngunit naiwan ang tingin kay Nika. 'Di ko na nilingon ang babaeng lampa at dire diretso ng niyakag si Haley.
Nang makarating sa Forest ay nag-order na kami ng pagkain. Dahil lunchtime ay halos okupado ang benches, buti na lang ay may magkakaibigang kaaalis lang kaya agad agad kong nilapag ang tray sa lamesa.
"What about intramurals, Bea?" tanong agad ni Haley ng makaupo sa harap ko.
Nilagay ko muna sa plato niya ang spoon and fork bago magsalita. Pansin ko ang pananahimik ni Haley kanina dahil hindi niya ako kinausap habang papunta kami dito kaya pinili kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa pageant. Balak ko pa namang itago muna kaya lang ay baka mag-away pa kami.
I faked a cough, "Ano... Uhmm... yung tungkol sa Mr. & Miss University," I said biting my lower lip as I busied myself arranging the food.
Hindi siya nagsalita kaya nag-angat ako ng tingin. Nakita kong nagsalubong ang kilay niya kaya't umubo ulit ako kunyari.
"I'll represent the CMBT. Is... it okay with you?" kinakabahan ko siyang tinignan, nang mapagtantong para akong nagpapaalam ay nagsalita ulit ako. "I don't like it either, I'll quit, immediately!" mabilis ko'ng dugtong.
Fuck!
Nakahinga lang ako ng maluwag ng ngumiti si Haley.
"Of course!" aniya at nagsimulang kumain, "I don't know who's our representative, yet, but I'll surely cheer for your college," masayang pahayag niya.
KAMU SEDANG MEMBACA
If Only (Rainbow Series #1)
RomansaRainbow Series #1 This story is all about acceptance. Accepting that there are things we can't control... one of that is falling in love with the same gender :) --- For two people, the world keeps tearing apart. Is the love they have enough to fight...
Chapter 13
Mulai dari awal
