Ilang lunok ang ginawa ko bago nagsimulang umiling.

"I'm sorry Ma'am but I'm not into pageants po."

"Ms. Sandoval, it will also be your achievement. You'll be the pride of our college if you win, which I'm sure you will. I won't pick you if I don't see any potential."

Kinumbinsi lang ako ni Ma'am hanggang sa napilitan na lang akong tumango. I don't think I have a choice.

"Great! It will also be credited in your grades so that's your advantage. Anyway, you're a fresh face for this title, Ms. Sandoval."

Huminga ako ng malalim.

"Ma'am, may time pa naman po para magbago ang isip niyo. No hard feelings po, if it will," mapagkumbaba ko'ng sabi ng may kiming ngiti.

Tinawanan niya lang ako, "I'll call you again once the preparation starts."

Again, why me?!

Nanlulumo akong lumabas ng faculty office. Bakit nga ba pumunta pa ako? Dapat noong nabasa ko yung text ay nagduda na agad ako.

I admit, I once dreamed of this. But why is it happening now? Now that I don't have any idea how to act like a girl... a true girl.

I feel awkward now so it will surely be awkward for my girlfriend.

Dumating ang lunch, hindi ko namalayang tulala lang pala ako buong klase.

Why is my life becoming so complicated?

"Cari, hoy! Tulala ka? Lunch na," kinakalabit ako ni Nika.

I took a deep breath and exhale. Sinimulan ko ng ligpitin ang mga gamit ko.

Wala naman ng magagawa kung mas-stress ako. Hindi naman n'on mababago ang isip ni Ma'am. Kung pwede ko lang sanang excuse na hindi naman ako purong babae.

Nangunot ang noo ko sa naisip. Natural na babae ka, Bea, walang halong kemikal.

Well I guess, I am not a normal girl. Yup, I'm not that normal, it's the safest thing to say.

"Hoy, ano na, Cari? Iniisip mo ba yung intramurals?" si Nika ulit.

Sa sinabi niyang iyon ay nabalik sa realidad ang diwa ko. Mabilisan ko siyang nilingon at nginiwian.

"Alam mo rin?" tanong ko.

"Yes! In-announce na kanina, 'di ka nakikinig," aniyang nangingiti, "Gusto mo tulungan kita? I know a thing or two about modeling."

Inirapan ko siya, "Ikaw na ang best in listening." hirit ko, sadyang 'di pinansin ang huling sinabi.

"Anyway, your posture is okay, you just need to improve your walking a bit," patuloy niya pa.

And she's back to being talkative again but at this moment, I prefer her not-in-the-mood self.

Nagpatuloy lang siya sa pagbabanggit ng suggestions niya para sa pageant. Nang matapos sa pagliligpit ay pinagmasdan ko siya, kami na lang dalawa ang tao sa room.

"Or you can develop your own signature walk, like Catriona's lava walk! Well, you can also do that walk... Ano, bakit?" natigil siya sa pagdaldal ng makitang tinitignan ko na lang siya.

"May dumi ba?" nauutal na aniya at kinapa ang mukha habang namumula ang magkabiling pisngi.

I'm not really sure if she's blushing or it's just make up.

Pinagmasdan ko lang ulit siya. Uh-hmm...

"Tutulungan mo talaga ako?" sabi ko sabay ngisi ng malaki.

If Only (Rainbow Series #1)Where stories live. Discover now