"So what's the real score between you two?" Usisa ni Lorah nang nag-aya siyang gumala.


Agad kaming nagclick dahil may fashion sense siya. And she loves to go shopping too! Si Dhelia sana aayain namin kaso bookworm, gurang at baduy ang babaeng iyon. Mas pipiliing magbasa ng mga libro. She's a pharmacist student, pre med niya. Tatandang dalaga iyon, ipupusta ko ulo ko.


"Nothing why?"


"I thought you guys have a serious relationship. Dahil kung nagkataon, malaking problema." Nagkibit balikat si Lorah at uminom ng fruitshake.


"Bakit naman?" Usisa ko kahit papano ay mayroon na akong ideya.


"He's promised to someonelse. Matagal na silang engaged pero hindi ko alam kung kelan sila ikakasal. They are both studying."


"Pragmatic marriage?"


"Yes. Kung ako si kuya, magrerebelde talaga ako." Pasaway na sambit ng kasama.


We do have the same opinion though. Nagrebelde nga ako e, tapos heto naglayas.


"Asan yung fiance ng kuya mo?"


"She's in abroad. Hindi ko alam kung kailan babalik."


"Oh." Yun lang ang nasabi ko.


Hindi ko alam kung bakit hindi natanggal sa isip ko ang mga iyon.


Iginugol ko ang sarili sa pagdradrawing sa sketchpad. I pouted when I'm in the last page. Ubos na? It's 4:00 p.m. at hindi pa ako naliligo! Sabi sayo nawili ako sa pagdradrawing e.


Still with my pajamas and cute bear slippers. Nagsuot lang ako ng hoodie dahil umaambon. Kumuha lang ako ng pera sa bag ko at nagdesisyon na lumabas para bumili ng sketchpad. As usual, Nathan have a class so I have no choice but to go alone.


Naaliw ang mga mata ko nang makita ang iba't ibang mga brushes at mga lapis. I watched videos on youtube so I have an idea about the materials. Gusto ko sanang dumekwat kay Nathan kaso baka jombagin niya ako.


"This or this?" tanong ko sa sarili ko habang hawak ang dalawang magkaibang brand ng color pencil.


"That one is better." Napatalon ako sa gulat dahil sa malalim na boses.


Agad akong napatingin sa nagsalita. Wearing a hoodie and  black jogging pants, with a sneakers that is obviously branded. Woah. Rich kid! Isama mo pa ang mamahalin na relo sa kaliwang kamay niya.


Nang magtama ang mata namin ay agad akong kinabahan. He looks so familiar!


"Quit staring or else I'll melt." He said playfully.


"Have we met before?" Tanong ko na ikinatawa niya.

Treacherous Battle (Salvaje Caballero Series 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon