Chapter Twenty-One

Start from the beginning
                                        

Sumunod na araw hindi kami nagkita ni Cairo dahil may check up na naman ako kay Dr. Marcus. Sinamahan ako ni Kuya at nang marating kami, nagulat ako nang makasalubong ko si Melanie.

"Uy, sis! Napadaan ka dito?" Tanong niya agad sa akin at si Kuya ay nasa likuran ko lamang nakamasid.

"Uhm, monthly check-up lang ni Kuya, sinamahan ko," pagsisinungaling ko at pilit na hindi mapakagat sa aking labi.

"Ikaw?" Baling ko sa kanya.

"Ah, ang taas kasi ng lagnat ng kapatid ko kaya sinugod namin sa ospital nung isang araw, madidischarge pa siya bukas," napatango naman ako at nagpaalam na siyang uuwi. Napabuntong hininga naman ako nang malagpasan niya kami. Nagkatingingan kami ni Kuya at tumikhim naman siya, hinihintay ang dahilan ko.

"Ayoko nilang malaman,"

"They will find out soon,"

"Kuya,"

"Yan, I'm not teasing you, you could just tell them." Pahayag niya habang hinihintay namin yung next appointment sa doktor ko.

"I'm scared, Kuya,"

"I'm here you for backups, Yan. Your boyfriend.."

"Hindi niya din alam,"

"Yancy," napabuntong hininga ulit ako at tumahimik na si Kuya dahil ayoko nang makipagtalo sa kanya. Buong araw, nasa ospital lang ako dahil nagkakaroon ng abnormalities yung parte sa puso ko at chineck na nila iyon.

Muntik pa akong ipa-confine ni Kuya, pero agad akong tumanggi.

"Can I have a talk with you?" Pagbaling sa akin ni Dr. Marcus at tumango naman ako bago si Kuya lumabas ng kwarto.

"Ano yun, Doc?"

"Ayoko nang magpaliguy-ligoy pa, you need to undergo for a surgery, and your life wouldn't be longer than we expected to be," seryoso niyang saad.

"The more you do physical work, the more your heart weakens, and I think staying at a university and study will do no good for your health. Kailangan mong ibalanse ang pagkain na kinakain mo, yung everyday routines will be lessen, if you can't follow a simple procedure to maintain your diet," paliwanag niya pa at hindi naman ako makasalita.

I need a surgery.

"For how long will it take for me to get ready for a surgery?"

"It would not take long if it's in the U.S., they have the best doctors recommended there," I pursed my lips and thinking that I will be away for a long time.

Far from Cairo.

"Matagal pa ang aabutin kung dito ka magpapaopera, it would take a month to prepare for the equipments and also the compatible donor for a replacement. Hindi ko hahayaan na maghintay ka pa ulit ng ilang buwan, Yan, your body will get weaker everyday, and I can't afford to lose your life waiting," pinatong niya ang magkabilang kamay sa aking balikat at napatingala ako.

"You should think about this seriously."

Sabado na, at hindi pa rin mawala sa isip ko ang surgery. I was too scared to tell  Cairo and my friends about my condition. I didn't know how to tell them straight,

A few months away, would be okay, but will Cairo accept it? He might get mad at me, and think of himself not worthy of my trust, I don't want to doubt himself.

It's scary.

Sinundo ako ni Cairo ng maaga para makabili pa kami ng regalo para kay Uno. He was holding my hand the whole time, picking what kind of gift we could offer for his friend.

"Babe," he called.

"Hm?"

"Huwag na lang kaya tayo pumunta," natawa naman ako dahil gusto na lang niya na magdate kami at hinatid na lang yung regalo kay Uno.

"Pupunta tayo, kawawa si Uno, baka inaasahan ka doon,"

"I could tell hi—" tinignan ko siya at tumigil na siya sa pagsasalita. In the end, napili naming regalo sa kanya ay mga basketball related equipments, paniguradong magugustuhan iyon ni Uno.

Kumain muna kami bago makapunta sa bahay nina Uno. Hindi ko naman akalain na rich kid ang kaibigan niya at marami nang nakadalo sa party. May mga nagsiswimming na at yung iba, todo sa pag-inom ng alak. Parang birthday party lang din ni Tati.


There were familiar faces, and sometimes I see them in our block. Maraming lumapit kay Cairo para mangumusta at hindi niya ako hinayaan mag-isa, hawak niya ang kamay ko habang nakikipagusap sa kanila.

"Sana all, may jowa!" Sabi pa nung isang kateamate niya at kumaway sa akin.

"I'm Gio," pakilala nung isa na kulot at medyo maitim ang balat. Ngitian ako ng isa bilang bati, kasing tangkad niya din si Cairo pero mas mukhang elegante at maginoo.

"Silas," sambit niya.

Pinakilala ako ni Cairo bilang girlfriend niya kapag mayroong nagtatanong. Nagulat ako at napahiwalay ang kamay ko nang mayroong babaeng sumalubong ng yakap sa kanya.

"Lara!" Suway ni Cairo at mahinang tinulak kaya tumawa ang babae. Maiksi ang buhok niya hanggang balikat at nakablack tube top, saka red pencil skirt, ang ganda niyang tignan. Hindi nakakabastos.

"Sup, Cai! I've missed you, hindi mo na ako tinatawagan," napatingin sa akin yung Lara at mayroong ngisi ito sa kanyang mga labi.

"You're drunk," sita ni Cairo at tumawa ulit yung babae.

"I'm always drunk, hindi ka na nasanay," lalapit sana ulit si Lara nang hawakan bigla ni Cairo ang kamay ko papalapit sa kanya.

"This is my girlfriend, Yancy." I gave Lara a smile and I think she's pissed off.

"I thought you don't do girlfriends?" Baling niya ulit kay Cairo na parang multong dinaanan niya. Nakakaramdam na ako ng inis dahil parang hindi naman ata 'yon tama.

She's rude.

"Everything's different now," he said and he squeezed my hand telling me it's going to be okay.

"Really now? Men and their prides," napailing na lang si Lara at umalis na sa harapan namin. Tumingin siya sa akin at napangiti naman ako,

"You okay?" Tanong ko at tumango naman siya.

"I thought you would be jealous,"

"Of course, I am!" I said it with honesty and his eyes widened. I giggled because he looked worried that we might start a fight,

"But it won't last because I love you,"

He smiled and gave me a kissed on the cheek, "I love you too,"

Before Anything ElseWhere stories live. Discover now