CHAPTER 14

759 16 1
                                    

(Author: Eto yung part na sumugod sila Astraeus sa mansyon. Hiniwalay ko lang.)

CHAPTER 14










NAKARATING SILA Astraeus sa mansyon na sinasabi nila Mikaehla. Madaming armadong mga lalaki ang nakapalibot sa buong bahay.

"A-ahm... D-dito nalang siguro ako."-sabi ni Styx habang umaatras.

Binatukan naman ito ni Wevior. "Ako dapat ang natatakot dahil saating lahat ako ang hindi marunong ng martial arts!"-sabi nito.

"'Wag kang mag-alala, Prince Garnade. Hindi ka naman papabayaan ni Thaesious eh."-sabi ni Mikaehla na may mapang-asar na ngiti sa mga labi.

Napatigil silang magkakaibigan at napatingin kay Wevior. Prince? Kahit sila hindi alam na may Prince pala sa pangalan ng kaibigan.

"Prince Garnade, huh?"-taas isang kilay na asar ni Styx kay Wevior.

"Eh? Hindi niyo alam na Prinsip-hmp!"-hindi natuloy ni Mikaehla ang sasabihin ng takpan ni Wevior ang bunganga nito.

"A-ah... Haha... O-oo. Oo. May Prince talaga sa pangalan ko. Prince Wevior Neon Garnade. That's my complete name."-aligagang pigil nito kay Mikaehla.

Tinanggal ni Mikaehla ang kamay ni Wevior na nakatakip sa bibig nito. Iiling-iling na nagkibit balikat ito habang nakangiti.

"Thaesious. Protektahan mo ng mabuti si Prince Garnade and make sure he'll be safe and sound."-utos nito sa kaibigan.

"Okay."-tipid na sagot nito bago lumapit kay Wevior.

"So.. Magkakilala pala kayong dalawa? Wevior? El?"-hindi mapigilang tanong niya.

Sabay na tumingin sa kanya ang dalawa at sabay ring tumango matapos magpalitan ng tingin.

"Um-attend ako sa engagement party niya noon."-sagot ni Wevior.

Engagement party? That was one and a half year ago. How come they met before I met El?

Alam niyang engage na si Mikaehla but he doesn't know who she's engage with. Hindi niya rin alam kung anong itsura nito.

"Mas una kayong nagkakilala ni Wevior?"-tanong niya kay Mikaehla. "So you already saw her fiance."-baling niya kay Wevior.

"Yes."-sabay na sagot nito. "But I didn't saw his face fully. All I know is he's a prince."-dugtong ni Wevior.

Tumingin siya kay Mikaehla. "You're a future princess?! Why didn't you tell m-"-Mikaehla cutted him off.

"Because I'm no royal blood. Quit talking about my relationship. Let's just focus on saving Hemera."-seryosong sabi nito.

Umakyat ito sa mataas na parte ng puno at inayos ang paglalagyan ng telescope. "You all go sneak in I'll be your eyes."-sabi nito.

Tumahimik silang lahat at walang ingay na inakyat ang bakod ng mansyon.

"Pers, go to your left may bukas na bintana do'n. Thaesious i-distract niyo yung ibang bantay."-salita ni Mikaehla sa earpiece.

Tumango siya at dahan-dahang lumusot sa bintana papasok sa mansyon. Hawak-hawak niya ang baril na binigay sa kanya ni Mikaehla.

"May limang bantay malapit sa hagdan-I'm on it."-biglang singit ni Thaesious.

Nakarinig siya ng ingay sa labas at narinig niya ang sunod-sunod na mura ni Wevior sa earpiece.

"The hell are you doing, woman?! Bakit mo binato yung bintana?!"-rinig niyang singhal ni Wevior sa earpiece.

Mabilis siyang nagtago sa likod ng malaking vase nang makarinig ng mga yabag.

"Anong ingay 'yon?!"-gulantang na sigaw ng isa.

"P'ta! Mukhang may nakapasok!!"-sigaw naman ng isa.

Mabilis na lumabas ang mga ito kasunod ang tatlo pang mga bantay. Maingat na umakyat siya at isa-isang tinignan ang mga pinto.

"Sa likod mo Launter!"-sigaw ni Mikaehla sa earpiece.

"Oh shit!-Bang!- Muntik na!"-Styx sighed in relief.

Napahinto siya ng makarinig ng sunod-sunod na putukan ng baril mula sa labas ng masyon.

"DIONYSUS!!"-sigaw niya at binilisan ang pagtingin-tingin sa mga pinto.

"P'tang'na! May isa pa pala dito?!"-sigaw ng isang lalaki.

Nilingon niya ang taong nasa likod niya. Nakatutok sa kanya ang baril nito kaya ngising aso ito sa kanya.

"Akala mo ba makakatakas ka pa ng buhay dito? Hindi na! Mamamatay ka pati ang mga kasama mo."-nakakalokong sabi nito.

Nakita niya ang akmang pagkalabit nito sa gatilyo pero bigla nitong nabitawan ang baril ng may dumaplis sa braso nito.

"You're... Welcome."-he heard Mikaehla chuckled.

Napailing nalang siya at mabilis na lumapit sa lalaki na akmang pupulutin ang baril. He kicked the gun away and punched the man. Binaril niya ito at mabilis itong bumagsak sa sahig.

"ASTRAEUUS!! ASTRAEUUUS!!"

Nang marinig ang sigaw ni Dionysus ay mabilis siyang pumunta sa hagdan papunta sa third floor.

"At saan ka pupunta?!"

Napasalampak siya sa sahig ng suntukin siya ng lalaking nakasalubong niya sa hagdan. Pumutok ang labi niya dahil do'n pero mabilis siyang nakabawi at tumayo.

"Ikaw ba yung tinatawag ng magandang babae na kasama ni boss sa taas?"-ngising tanong nito. "Ang sabi ni boss kami daw ang sunod pagkatapos niya."-sabay tawa ng nakakaloko.

Dumilim ang paningin niya dahil sa sinabi nito. His aura became dark at walang ano-anu'y sunod-sunod siyang nagpakawala ng suntok dahil sa galit.

"Fvck you!! Don't even think on touching my girl!! Bastard!"-galit na sigaw niya habang nagpapakilala ng malalakas na suntok.

Tumigil lang siya sa pagsapak dito nang makita ang duguan nitong mukha at wala ng malay. Umayos siya ng tayo at pinakalma ang sarili.

"That was scary, Pers. You almost kill him!"-tawa ni Mikaehla sa earpiece.

Hindi niya ito pinansin at mabilis na umakyat sa taas. Isa-isa niyang binuksan ang mga pintuan.

Dionysus.... Please..

"ASTRAEUS!!"

*************
AUTHOR'S NOTE: So yeah. Sinadya ko talagang ihiwalay ang part na 'to.😋✌️🤘 Enjoy reading!!😉

UNORDINARY OBSESSION SERIES 1: The Impotent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon