Chapter 30 : She who cried murder

Start from the beginning
                                    

And I wasn't the girl who cried murder.

 


"Shhhh!" Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa gulat nang bigla kong maramdaman ang malamig na palad na tumakip sa bibig ko. Mapapatili na sana ako nang marinig ko ang impit niyang paghagulgol. Kilalang-kilala ko kung sino ito.

Tumango-tango ako at unti-unti niyang ibinaba ang nanginginig niyang mga kamay na tumakip sa bibig ko. Hindi ko lubos na nakikita ang mukha niya pero siguradong-sigurado akong siya ito.

"Where's milky?" Tanong ko sa pagitan ng mga hikbi ko. Naalala ko pa ang sigaw niya sa pandinig ko pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Maaring buhay pa siya.

"Milky's dead." Bulong niya at muling humagulgol.

Unti-unti akong napaatras at bumitaw sa mga kamay niya. Patuloy ang panginginig ng mga kamay ko, ngunit hindi na ito dahil sa lamig at takot... Dahil na ito sa galit.

"How could you do that to us?" Bulalas ko ngunit hindi siya kumibo. Sa halip ay nagpatuloy lamang siya sa paghagulgol.

"Nagmakaawa ako sayo! Akala ko ba magkakaibigan tayong tatlo? Paano mo kami nagawang iwan ng ganun?" Muli akong humakbang paatras mula sa kanya. Pilit kong tinatatagan ang sarili ko pero pati boses ko'y wala naring lakas.

Lalo lamang siyang humagulgol. Tinangka niyang hawakan ang kamay ko pero sa sobrang galit ko ay iwinakli ko lang ang kamay niya. 

"Tammy..." Humakbang siya papalapit sakin.

Tok tok tok.

Narinig ko na ang tunog na ito kaya kahit madilim man ay ibinaba ko ang tingin sa mga paa niya. Sariwa pa sa alaala ko kung saan at kailan ko narinig ang kaparehong tunog na iyon--noong kinidnap kami. 

Ang tanga-tanga ko! Ba't ngayon ko lang napagtanto na takong ng sapatos ang narinig ko noon?!

"Tammy sorry." Humahagulgol na sambit ni Quinn.

Quinn is my bestfriend. She was like a sister to me. I thought we had each other's backs but it turns out, I was the only one. I can no longer trust her... After all... She was the girl who cried murder.

"Tammy saan ka pupunta?!" Tanong ni Quinn nang umikot ako at magsimulang maglakad pabalik sa daang tinatahak namin kanina pero hindi ko na siya nilingon pa at nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na hindi ko alam kung saan ako patungo.

"I can't be like you Quinn. I can't leave a friend behind. Babalikan ko si Kirk. 'Wag mo akong susundan."

***

"Kirk! Kirk nasaan ka?!" Sigaw ako ng sigaw habang muling tumatakbo. Maya't-mayang kumikidlat kaya naaninag ko ang mga lumang tren at kwarto sa hindi kalayuan. Ito na siguro ang mismong train station.

The girl who cried murderWhere stories live. Discover now