Chapter 30 : She who cried murder

Magsimula sa umpisa
                                    

"Quinn?! Milky?! Nasaan na kayo?!" Napahagulgol ako at di kalauna'y napatili na lamang sa sobrang galit. "You son of a bitch! What do you want?! Ayoko na! Gusto ko ng umuwi!"

“Tammy?!”

Napasinghap ako nang marinig ko ang boses ni Kirk na buong lakas na isinisigaw ang pangalan ko. Lalong sumisikip ang dibdib ko sa nararamdaman kong kaba. Pilit kong nililibot ang paningin ko sa kabila ng matinding kadilimang bumabalot sa buong lugar.

“Kirk! Kirk nasaan ka?!”

Hindi ko alam kung narinig niya ang sigaw mula sa nanginginig kong labi. Hindi ko alam kung sapat ang lakas ng boses ko upang mahanap niya ako.  

“Tammy takbo! Tammy tumakas ka na! Umalis ka na!”

Muli kong narinig ang boses ni Kirk pero sa puntong ‘to ay nararamdaman ko na ang matinding takot at sakit sa boses niya. Lalong tumindi ang takot na kanina ko pa naramramdaman. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Gusto kong lumaban gaya ng ginagawa namin nitong nakalipas na mga araw pero wala na akong naiisip pang paraan upang matalo ang halimaw na gaya niya.

Paano nga ba namin matatalo ang isang halimaw kung hindi man lang namin alam kung sino o ano ang hitsura niya?

Paano ba namin matatalo ang halimaw na ilang linggo na kaming pinaglalaruan?

Kung masasagot ko ng tama ang palaisipan niya, masasalba ba nito ang buhay namin?

“Tammy takbo!”

Muli kong narinig ang boses ni Kirk, wala na akong ibang magawa kundi sundin siya. Mahirap man, pinilit kong tumakbo sa kabila ng pangangatog ng mga paa ko. Takbo ako ng takbo. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ako.

Sa isang iglap, biglang kumulog at kumidlat na siyang nagdulot ng pansamantalang liwanag sa paligid.

Sa isang iglap, nasagot ang katanungan ko kung nasaan ako.

Nandito ako sa lugar kung saan nagsimula ang lahat… Sa lumang estasyon ng tren.

Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit kong alalahanin ang huling palaisipang iniwan sa akin ng halimaw…

“Dark as the midnight sky,

Bright as the sun and its ray,

He who suffered shall be praised,

She who lied shall die today.”

 

Natigil ako sa paglalakad at napako ako sa kinatatayuan ko.

Ako ba talaga ang may kasalanan ng lahat?

Kasinungalingan ko ba talaga ang nagdulot ng kamatayan sa kanila?

Ang mga sinabi ni Ponzi kanina....

Now everything’s clear to me…

The answer to The Crimson Ripper’s Riddle and the one who has to die all along is the girl who cried murder...

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon