Epilogue

22 3 1
                                        

"Hija, sana mapatawad mo ako sa ginawa ko, alam kung hindi tama na itago sa'yo kung sino talaga ang tunay mong mga magulang, pasensya ka na hija.." sabi ng lola ko.

"o-ok-kie lang po i-iyon lo-lo-la, a-alam ko-ko na-man po na *sniff pi-pi-no-pro-te-tekta-a-han niyo lang po a-ako, ka-kaya-a hi-hin-di na po ka-yo da-dapat ma-ma-bahala dapat po, *sniff *sabay pahid ng luha magpagaling kayo, okay?" sabi ko habang napahagulhol ng iyak.

"Hija, alam mo naman na ang mga tao ay hindi rin magtatagal sa lupa kaya naintindihan din kitang pero ito na yun..yun....*breathe ..."

*tiiiiiiiiiiiiiingggggggggg.. 

"Lo-la, lola... Doc... Doc.... Doc...." sabay takbo ko sa labas at sumisigaw na..

Ayoko. Ayoko ko pang mawala si lola. Ayokoooo....

-----------------------

"....Ayokoooooooooooooo..." nagising ako. Pero kahit anong gawin ko, wala na si Lola. Si Lola Charisse, ang nag-iisang tao sa mundo na inalagaan ako at inalalayan. Siya na rin ang nagpa-aral sa kin at sumuporta sa mga bagay na hindi nagawa ng mga magulang ko. Hindi ko kilala ang mga magulang ko pero bago mamatay si lola may binigay siya sa akin na makakatulong para mahanap ko ang mga magulang ko. Tutulong sana si lola pero dahil matanda na rin si lola, hindi na niya kinaya at kinuha na rin siya sa akin. 

Naging Scholar ako noong elementary hanggang ngayon na college ako, nag sideline din ako para at least nakatulong ako kay lola... College na ako sa course na business, gusto ko sana yung maging Architect kaso hindi kaya sa budget namin at wala din scholar para sa ganun na course dahil sa mahal ang tuition n'un kahit isang semester lang. Pero napagtiyagaan ko naman itong business management na course, dalawang taon na lang at makagraduate nako... Para kay lola sana to kaso wala na siya...

Habang tinitingnan ko tong kahon na nasa harapan ko napaisip ako na i-challenge ang sarili ko sa City at hanapin ko ang mga magulang ko.

Anong laman ng kahon? Well ito lang naman ang mga picture ko noong bata pa ako kasama ang parents ko, ngayon ko lang nakita kasi pinagbawalan ako ni lola na pumasok sa kwarto na to, lahat ng mga memories ko noong bata pa ako ay dito na tinago ni lola.

Nalaman ko na noong bata pa ako, ay mayroon dawng nagkagusto sa dad ko pero nainis siya dahil hindi siya ang pinakasalan. Dahil doon tinangka niya patayin ang mom ko pero palagi itong palpak sa mga plano niya. Pero isang araw, nagtagumpay kaso nalaman ni lola ang pakay nito kaya nilayo ako ni lola at nandito ako ngayon sa liblib na province, yung lugar na walang nakakaalam at mahirap matagpuan dahil walang nakasulat sa mapa nito. Ewan ko lang at saan ito nakita ni lola pero masarap ang mamuhay dito bukod sa tahimik na, hindi pa magulo at mababait lahat ng mga tao dito. 

Hindi ko alam kung ano ng maeexpect ko kapag nakita ko sila. Hindi ko din alam kung hanggang saan ko makakaya ang challenge na ito pero ready na ako. Fight!! 

------------

Sana po nagustuhan niyo, Epilogue palang yan pero parang EWAN na,,.. Sana po ay i-vote niyo din.. THANK YOU PO !!! :D

Clumsy in the CityWhere stories live. Discover now