Hindi sya nababagay dito. Yung mga gaya nitong sanay na nakukuha lahat ng bagay, dapat umiiyak na di ba? Dapat di ba nagrereklamo na sya at natataranta? Why Sam is just perfectly fitting herself in sa mundo ko?

Does it mean that she truly love me? Enough to give up everything? Even her comfort? Her luxurious life?

Pumasok naman ako sa kwarto para kumuha ng damit na pamalit. Saka ng tuwalya. Paglabas ko ay busy na sa pagluluto si Sam. Mukhang marunong nga talaga sya magluto sa kahoy.

Is this her way? Maybe it will work. Maybe we may work. First day pa lang, pati yata ako naconquer na. Jusme!

Ngiting ngiti naman na pumasok na ako ng banyo para maligo.

"Samantha!" Malakas na tili ko nang makapasok ng banyo.

Goodness! Bakit wala nang tubig? Naubos nito yung tubig sa drum? Ang dami nito a? Stock ko na yun hanggang tatlong araw. Paano nya naubos?

"Tell it now, Terry. I'm cooking."

Gigil na lumabas ako ng banyo at sinugod sya sa kusina.

"Bakit mo inubos yung tubig? Anong akala mo, bathtub yun? Dun ka ba nagbabad? Jusko ka!"

Shit, Samantha. Don't smile!

"Sorry." Nakangiting hingi nito ng paumanhin. "I feel sticky all over. Kaya di ko namalayan na naubos ko pala yung tubig."

"Huwag mo kong mangiti-ngitian dyan!" Gigil na sabi ko na inambahan pa sya. "Paanong di mo namalayan? Jusko ka! Paano ako maliligo ngayon?"

Napakamot naman ito sa pisngi. Swear, she looks like a guilty child na nagpapacute na lang para hindi mapagalitan.

"Ang bango mo pa naman, Terry. Kahit hindi ka na maligo."

Kuh! Heto. Heto ang dahilan kung bakit ayoko sa kanya. Ang galing nyang magpaikot ng tao.

"Ipag-igib mo ko sa poso pagtapos ka na magluto." Inis na sabi ko sa kanya.

Itinuro nito yung labas. "Terry, gabi na o. Ayoko. Mamaya may frog pa dun sa labas. They like to stay with damp places. Lalo na sa water pump. Ikaw na lang. Magkamukha naman kayo. Hindi ka na matatakot dun."

Sa inis ko ay hinubad ko yung suot kong house slippers at binato sa kanya. Natatawang naiwasan naman nito iyon.

"Fudge, Terry. You're getting better. Muntikan na ko matamaan."

"Gumagaling ka na din umilag."

"Well, easy as pie." Nagyayabang pang sabi nito na kuntodo ngiti. "Don't get mad. Nagiging kakulay mo na yung nagbabagang kahoy o."

Ahh! Ganon pala ha!?

Napatigil ito sa pagtawa ng sipain ko yung binti niya dahilan para mawalan ito ng balanse.

Pero bago pa ito tuluyang bumagsak ay nahatak naman ako nito pasama dito. Ang ending, dalawa tuloy kaming bumagsak. Ang masaklap pa, ako yung pinangsangga nya sa sahig as her body hits mine.

Naiiyak naman ako. Ang sakit. Ang bigat kaya ni Samantha. Dagdag pa yung impact ng pagbagsak namin.

"Hey, It's not my fetish to do it in the floor." Sabi pa nito.

Kung nakakamatay lang ang tingin talagang napatay ko na sya. Mukha bang ginusto ko 'to? Sana man lang nagpaka good samaritan sya. Sana man lang ako yung pinaibabaw nya at sya itong nagpabagsak sa sahig.

"Say sorry, Terry." seryosong sabi nito. "Sinasadya mo talagang saktan ako."

Seryoso? Ngayon nya lang nahalata?

"Gago ka. Bakit ako yung magsosorry? Ang sama ng ugali mo kaya."

"Hey,pasmado yung bibig mo. Kanina ka pa nagmumura. Hindi magandang pakinggan."

"Pakialam ko sa kung anong gusto mo?"

Umangat naman yung gilid ng labi nito. Hindi ba pwedeng tumayo muna sya bago mang inis?

"You just did exactly what I want awhile ago, baby. Do you want me to remind you?"

Agad ko naman syang naitulak palayo. Tumatawang lalo lang itong nagpabigat. Para syang batong nakadagan sa akin. Bakit ang bigat nya yata?

"Just say sorry, Terry. You owe me that. "

"Ayoko! Kahit manigas ka pa dyan!"

Nawala naman yung ngiti nito at napalitan ng seryosong mukha.

"C'mon. I deserve it. Since the first day we've met kahit hanggang ngayon, you never fail to hurt me. So, please? Just say sorry so I could tell my bruise ego that I'm not stupid for always following you like a dog as you go on turning me down."

Hala, sumobra na ba ako? Ako na ba yung masama sa aming dalawa?

"Sam.."

Ngumiti ito. "Kung ayaw mo, okay lang din naman."

Tatayo na sana ito nang hatakin ko sya palapit sa akin.

Sam's right. I'm always hurting her too. Maybe it's not bad to give us a shot, right?

"I'm sorry, Sam. Let's make amends?"

Why are we both smiling?

"How about a kiss?" Umangat ang kanang kilay nito. Nanlalandi na naman.

Oo na. Sige na. Ako na yung marupok.

I leaned forward to claim her lips.

Ah. This is life, right? Tama na yung drama.

****

Trapped with the Cactus-LoverWhere stories live. Discover now