"This?" Natatawang sabi pa nito saka napailing. "Don't worry. Hindi naman masakit."

Fudge! Ganyan na ganyan yung nakita kong pasa ni Ms. Carmi. Lalo na pag nanggagaling sya sa private office ni Van.

Ibig sabihin kagaya na din ako ni Vanilla? Masama na din ako?

Oh, wait! Ibig sabihin ganon din yung ginawa nila Van at Ms. Carmi? Fudge! Kaya pala tumatawa lang si Sam nung sinabi ko na sa leeg yung pasa. Ibig sabihin alam nya? Kaya ba nagbreak na sila ni Ms. Carmi? Wait, hindi nga pala sila Sam at Ms. Carmi. Ibig sabihin, si Van at Ms. Carmi talaga? Pinagtatakpan lang ni Sam?

"Terry, ano na naman ba yang iniisip mo?" Naiiling na tumayo si Samantha at pabirong binatukan ako. "Mukha kang tanga."

"Kagaya na ba ako ni Van, Sam? Nananakit na ba ako?" Parang maiiyak naman ako. Mukhang di ko naman nasaktan si Sam kanina. I'm sure of it. Hindi naman sya nagrereklamo kanina e.

Nakagat naman nito yung pang ibabang labi nito na parang pinipigilan yung pagtawa.

"No, Terry. You weren't. Don't compare yourself to Van. You're different."

Naaawang hinaplos ko naman yung leeg nya na namumula. Kahit yung braso niya ay parang nagkakapasa na din. Siguro dahil sa diin ng hawak ko doon kanina. O dahil siguro sa lakas ng hampas ko dito nubg inutusan ko magluto.

"Sure ka?"

Tumango ito. "Maupo ka na muna doon sa sala. O kaya magrelax ka muna sa room. Magpeprepare lang ako ng food natin."

Speaking of that. Marunong ba sya magluto? Mukhang hindi yata sya marunong magluto gamit ang kahoy.

"Oh, that?" Sinundan nito ng tingin yung tinitingnan ko. "I'm perfect. I know how to do that." Kumindat pa talaga si gaga. Pero bakit parang mas lalo yata syang gumanda. Unfair!

Yung pisngi kasi ni Samantha talagang namumula. Para syang binabad sa initan na hindi nangingitim.

"Mahirap magluto sa kahoy, Sam. Ako na lang magpapabaga tapos iprepare mo na l—" Napatigil naman ako sa pagsasalita nang makita ko syang tumatawa. "—Anong nakakatawa?"

Umiling pa ito. Pero hindi naman mapigil yung ngiti. Nakakapikon kaya.

"Sam, Isa. Itatapon talaga kita palabas ng bahay pag nainis ako sayo."

Nagpamaywang naman ito na para bang naghahamon.

"Oh, you won't. Not after what I've done to you."

"Kapal ng mukha mo. Lumayas ka na nga dito. Mang iinis ka na naman."

"Sure ka?"

Hindi sumasagot na binuhat ko yung maleta nya na nasa gilid. Agad naman itong lumapit at kinuha sakin iyon.

"Biro lang. Nagiging pikon ka na."

"Anong nakakatawa ba kasi?" Salubong ang kilay ko. Aba, mamaya pinagtatawanan nya pala ako.

Ngumiti ito. "Wala nga. Why don't you take a shower first? Tapos ako magluluto na. Di ba gutom ka na?"

Nagdududang tiningnan ko sya pero nginitian nya lang ako. Yung ngiting akala mo santa.

Jusme, Terry! Kalma, masama ugali nyan. Huwag mong kalimutan. Alipin natin sya ngayon.

"Sige na." Nakangiting sabi pa din nito na itinulak na ako papunta ng banyo. Habang ito naman ay pumunta na doon sa kusina para magluto.

Inihanda na muna nito yung mga lulutuin nito. Saka nagpa ningas ng apoy.

Base sa bilis nitong kumilos, mukhang sanay nga ito. Seryoso ba? Wala na ba akong mahahanap na flaw sa kanya? Bakit ang perpekto nya masyado?

Trapped with the Cactus-LoverWo Geschichten leben. Entdecke jetzt