Natatawang binato ko sya ng kumot.

Jusko! Walanghiya na talaga sya sa akin. Wala akong pakialam kung sexy sya masyado.

She sexily pulled herself to sit at saka hinatak yung kumot. Napangiti naman ako. Picturan ko kaya sya ngayon at ibenta online? Siguro mayaman na ako in less than a day.

"Don't look at me like you're devouring me in your mind. It's making me sick."

"Ambisyosa ka talaga. Feeling neto. Ikaw ang mas may gusto nito kesa sakin."

"Excuse me!" Mataray na sabi nito saka pinakita sakin yung hubad na likod nya. "See these evidences?"

Jusme, Terry. Ano ginawa mo sa likod ni Samantha? Bakit puro kalmot?

Napipikon tuloy na binato ko sya ng unan. Sa kakaiwas nito ay tumama yata yung likod nito sa headboard ng kama.

"Ouch!" She winced in pain.

Nag-aalalang napaupo din ako. I felt the sudden jolt of pain sa biglaang pagkilos ko.

"Fudge!"

Bakit ang sakit din ng katawan ko? Kainis. Kaya ayoko sa ilalim e.

"Okay ka lang?" tanong pa nito.

Nakasimangot na sinamaan ko sya ng tingin. Ito naman ay pinatulan din ako. Halatang tinotopak na din.

"Sige, subukan mo magtaray. Tatamaan ka sakin." Iritableng sabi ko sa kanya dahil talagang tinataasan na niya ako ng kilay.

"Fine!"

Naiiling na tumayo naman ito at nagbihis ng patalikod sa akin.

Pumunta sya sa closet at naglabas ng damit ko. Matapos ilagay iyon sa papag ay yumuko ito para halikan ako sa noo.

"I'm sorry. I didn't mean to be that rude. Pakiayos na yang mukha mo. Magluluto na ako." Pagkasabi niyon ay dire-diretso na itong lumabas.

Hala, anong nangyari don kay Samantha? Bakit parang nag iba yata yung ihip ng hangin at naging mabait na naman sya?

Akala ko pa naman ay makikipag away na naman sya o kaya manlalait. Well, mukhang nasa good side of bed sya kanina. Napangiti na lang ako na nagbihis din. At least, ako pa din ang nasunod.

Well, mukhang seryoso talaga sya at takot mapalayas. Pwedeng pamblackmail.

Pinalitan ko na din muna yung latag ng papag matapos ilabas yung kutson na tinitiklop ko tuwing umaga.

Jusko! Kung nagtanong lang si Samantha kanina baka hindi sumakit ang likod namin.

Paglabas ko nang kwarto ay kalalabas lang din ni Samantha ng banyo. Nakaligo na ito at nakapagpalit ng plain na white shirt at cotton shorts. Amoy na amoy ko pa yung bathsoap nya.

Yung tingin ko ay dumako mula sa maputing leeg niya na kitang kita dahil nakapulupot yung small towel sa hair nito. Mukhang plano yata magblower ng buhok kaso wala nga palang kuryente dito. Paano nya patutuyuin ngayon yung buhok nya?

Damn, Terry. Don't look at her. Maaakit ka na naman nyan e. Huwag mong titigan yung long legs. Bakit nagiging ganyan ka na? Kaaway natin yang bruhildang giraffe na yan di ba? Sinuko mo na nga yung bataan mo, pasasakop ka pa ng buong-buo. Huwang ganon. Alipin natin yan.

"Sam?"

"Yas?" Napatigil ito sa pag aayos ng gamit nito.

"Uhm, sinaktan ba kita?"

Kumunot ang noo nito.

"Nope. Why?"

Nahihiyang itinuro ko yung leeg nito at yung collar bone nito.

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon