Chapter Sixty Three

Start from the beginning
                                    

Ken: " Naaawa ako. What if ako nga ang ama? 2 years ko siyang hindi nakita. At least mas maaga pa akong nakabawi. " Malungkot na sabi nito habang naka yuko parin. " I just told you now because ayokong malaman mo sa iba especially nalaman ni Lei kung saan kami nakatira. It's not you don't deserved the truth at napilitan lang akong sabihin sayo pero, ayokong madamay ka dahil problema ko naman kasi to. " Madamdaming sabi nito at saglit na nagtaas ng tingin.



Me: " So hindi kanina lang ang unang pagkakataong nakita mo ang bata? At syempre, present din ang ex mo diba because she's the baby mama? " Walang emosyong tanong ko sa kanya. Mahinang tumango lang ito. " Kelan? " Tanong ko ulit habang tulalang nakatitig sa malayo. Si Stell naman naka tayo parin malapit samin.



Ken: " First kong nakita ang bata nung.. nung.. after kami nag meeting with Sir Robin.. " Nakayuko parin ito ngayon.



Me: " Where? " Emotionless kong tanong.



Ken: " It's not impor-"



Me: " Where? " Pagputol ko sa sinabi niya. Bumuntong hininga muna ito bago nag salita.



Ken: " Sa Condo ." Parang pabulong na sagot nito.



Me: " Who's condo? "



Ken: " Ni Lei... "



Me: " May nangyari? " Blangko ang expression ko ngayon at nanginginig ang buo kong katawan.



Ken: " Wala! Walang nangyari! " Sabi nito at nag angat na ng tingin.



Me: " When was the next? "



Ken: " Yesterday. Before ako umuwi dito sa condo. " Yumuko ulit ito. " I'm so sorry.. Please love.. I didn't mean to keep it from you. " Sabi nito at akmang yayakapin ako pero agad na umiwas ako.



Me: " I need to be alone " Sabi ko sa kanya at akmang tatayo na sana pero hinila nito ang isang kamay ko kaya napa upo na naman ako sa tabi niya.



Ken: " Please love.. Don't do this.. " Nagsusumamong sabi nito.



Me: " I just want to be alone. " Blangko ang expression kong sabi sa kanya at tumayo na at iniwan ito.







Naputol ang pag muni-muni ko nang may marinig akong tumikhim. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses and I saw Justin na naglalakad papalapit sakin. Tipid na ngiti ang ibinigay ko dito at agad kong ibinalik ang tingin sa malayo.

Tumabi siya sakin at paharap ding sumandal sa railings.



Justin: " Sorry if we didn't tell you. " Sabi nito habang nakatingin din sa malayo.



Ilang segundo muna ang lumipas bago ko siya sinagot.



Me: " It's alright. Na-iintindihan ko naman..Alam ko ring ayaw nyo lang pangunahan si Ken. " I sighed.



Justin: " Swerte talaga ni Ken sayo. " Narinig ko itong mahinang tumawa pero diko parin ito nililingon.



Ilang segundo muna ang nakalipas bago ako nag salita ulit.



Me: " You know what's funny? Almost a year ago, I was so obsessed with you. I spent so much time thinking about you and crying over you. " Mahina kong sabi sa kanya. Nakita kong napalingon siya sa sinabi ko pero nanatili parin akong nakatingin sa malayo. " It just makes me realize that what I felt for wasn't even real because it definitely didn't feel like this. " Nilingon ko siya at malungkot na nginitian.



SB19 || Love Me BackWhere stories live. Discover now