Barako Band

46 1 7
                                    

A/N: Ilalagay ko sa comment ang translation ng ibang term. 💋

Dedicated to Filipina. Her one shot story, "Author's Note", inspires me to write again.

BARAKO BAND
by: dolletienne

"Good morning freshmen! I'm Blue, the president of WPC Barako Band."

Hala ang gwapo.

Pakiramdam ko ay isinalin sa akin ang pure energy ni Gary V. Nawala ang bagot ko at biglang sumigla, tipong kaya kong tumambling at mag cart wheel. Hindi na pala lugi ang pag gising ko nang maaga para sa Freshmen Orientation na to.

Umeksena naman ang mga badet at mga merlat. Ang ulam naman niya kasi talaga. Inasar tuloy siya ng emcee na mukhang type rin naman siya. Ay teka lang naman may oportunada! Wala namang garapalan dyan, pantay-pantay lang tayo dito sa lupa.

Panay ang explain niya sa unahan tungkol sa Music Club. Tutok na tutok naman ako sa kagwapuhan niya imbes na sa mga paliwanag niya. College guys really hit different pala talaga ano? I mean, hindi sila mukhang fetus na trying hard magpaka macho.

He's... Iba sya! Basta ang hirap mag-english. Pero sobrang gwapo niya talaga hindi ako nagbibiro. Mukha siyang model ng mamahaling brand. Malinis siyang tignan tipong mukhang never naging maputik ang kuwelyo ng uniform niya even as a kid na babad sa araw. Alagang alaska.

Gusto kong makilala pa siya.

"Mag-ingay ang mga taga CAS Department!"

Nagsitayuan kami at nagcheer. Ayos na rin nga naman ang Freshmen Orientation, kahit nakakainip, at least mafamiliarize kami sa isa't isa bago magpasukan.

"Ikaw, Asia?"

"Sa Ourense pa." sagot ko

"Aw, layo! Boarding ka?"

"Uwian."

Ang wholesome! Alam nyo na mga virgin pa kami ngayon dahil hindi pa magkaka-close. Sana lang ay hindi na uso dito ang sipsipan.

Nagsimula na ang pasukan. Maluwag ang schedule dahil puro minors lang. Halos half day nga lang kami kaya hindi ako nahihirapan kahit na isang oras ang byahe ko araw-araw. Sa paggising nga lang ako palpak tuwing umaga. I'm not a morning person.

"Pwede na raw mag sign ng application sa orgs and clubs. May sasalihan ba kayo?" si Melqui

Napatingin tuloy ako sakanya. Ilang araw ko nang inaabangan ang announcement tungkol diyan sa totoo lang. Marami kaming free time at kating kati na rin akong magpacute kay Blue. I mean, gusto ko rin naman ng mga bagong learnings and experiences pero siya talaga ang pinaka dahilan ng lahat. Gusto ko rin siya maexperience.

"Wala. Nakakatamad." sagot ni Wacky

"May sweldo daw yung ibang orgs." sabi ni Melqui

What? I'm loving the college life so far!

Kaya naman hatak-hatak ko ngayon sina Melqui at Wacky para samahan akong mag-audition. Hindi ko na ito pwedeng palampasin pa dahil dalawang linggo ko itong hinintay.

Papunta kami sa Music Room. Marunong akong mag drums dahil drummer si Papa at tinuruan niya kami ni Kuya noong bata pa lang kami. Marunong din akong kumanta. Pero kung papipiliin nyo ko sa dalawa, mas gusto ko ang mag drums dahil lowkey.

Unknown Number:

Congratulations! You passed the WPC Barako Band Audition. We are looking forward to a great start with you. See you later at 2:00 PM in the Music Room!

Barako BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon