Chapter 4-I'm Only Me When I'm With You

Start from the beginning
                                    

Tumingin din sa kanya si Treyton pero siya nito sinagot at kapagkuwa'y bumalik ito sa pag-aasikaso kay Adalyn.

Dumating na rin sa wakas ang stretcher at ang mga tinawag nilang medical students.

Hindi na pumayag si Tristan na si Treyton pa ang umalalay sa kaibigan.

Kumukulo ang dugo niya rito.

Kinabig niya ito at tinulak palayo.

Pagkalagtag ng stretcher sa damuhan ay si Tristan na ang tumulong sa tatlong medical students upang maingat na ipatong ang walang malay tao na si Adalyn sa ibabaw ng stretcher.

Sumunod si Maggie at Tristan patungo sa paparating na ambulansya sa open field.

Isinakay nila si Adalyn sa loob ng ambulansya.

"Isara niyo na... kailangan na nating makarating sa hospital!" utos ni Tristan sa mga medical students nang makasakay na sila sa loob kasama si Maggie.

Ngunit agad namang kumunot ang noo ni Tristan ng biglang sumulpot si Treyton pagkatapos ay umakyat at sumakay din sa loob ng ambulansya.

"I'am responsible fo this please let me come" paki-usap nito kay Maggie.

Tumango lang si Maggie. Isinara nito ang pinto ng ambulansya.

"Tsss" walang magawa si Tristan dahil kung magpo-protesta pa siya na pababain ito sa ambulansya ay lalo lamang silang matatagalan at isa pa'y kailangan na talaga nilang isugod sa hospital si Adalyn dahil baka mas lalo pang lumala ang injury na maaring tinamo nito.

Walang nagsasalita sa kanilang tatlo habang mabilis na umaandar ang ambulansya papuntang Hospital.

Nababanaag ang pag-aalala sa mukha ni Maggie habang hinahaplos ang ulo ng kaibigang si Adalyn.

Si Treyton nama'y nakayuko lang. Napailing na lamang si Tristan.

Lumabas lang saglit si Tristan para bilhan ng pagkain ang Mama at kapatid nitong lalake na buong magdamag nang walang tulog sa pagbabantay kay Adalyn. Mabuti na lamang at hindi na daw kailangang mag conduct ng surgery para sa tinamong injury ng kaibigan niya.

Kinakailangan lamang daw nitong dumalo sa theraphy niya para maibalik sa normal ang movement ng kanyang balikat.

Hindi parin niya maatim na makita si Tristan na umaaligid sa kaibigan nito.

Nagpipigil lamang si Tristan dahil nariyan ang Mama ni Adalyn at ang kapatid nito.

Ang totoo'y wala naman siyang authority para pigilan ang isang taong ayaw niyang makita na lumalapit sa kay Adalyn. Ang mama parin ni Adalyn ang masusunod.

Itinuring na niya talagang malapit na kaibigan si Adalyn. Kahit na bago lamang ito sa grupo nila nina Maggie at Cleo ay hindi nito ipinaramdam kay Adalyn na iba ito sa kanila.

Isa lang ang prinsipyo ni Tristan para sa mga nagiging kaibigan niya, kapag nakita niyang may nanakit sa mga ito ay hinding-hindi niya talaga ito palalampasin.

Pagkagaling niya sa Cafeteria ng hospital ay naglakad na siya pabalik ng second floor sa kwarto ng kaibigan kung saan naka-confine si Adalyn.

Paakyat na siya sa hagdan patungong second floor ng makita niya ang Mama at ang kapatid na lalake ni Adalyn na tila paalis na ng hospital.

"Tita! uuwi ho ba kayo?" tanong ni Tristan.

Huminto ang mga ito ng makita siya.

"Oo iho, pero babalik din ako mamaya ihahatid ko lang si Justine para makapagpahinga kailangan din kase niyang pumasok bukas dahil examination week na nila" ani sa kanya ng Mama ni Adalyn.

Blinded By Yellow LightsWhere stories live. Discover now