"Daddy, pasaway ka. Bat di mo na lang ako inantay matapos para ibaba yung pinagkainan mo." Pagalit nya sa akin.

Imbes na sagutin sya ay iba ang sinabi ko. "Gusto kitang ihatid mommy kaso alam kong hindi mo ako papayagan." Tumabi ako ng upo sa kanya at sinubsob yung mukha ko sa leeg nya.

"Magpagaling ka para ikaw na ulit maghahatid-sundo sa akin." Niyakap nya pa ako.

"Wait, check ko pala muna temp mo bago ako umalis." Tumayo naman sya kaagad at kinuha yung thermometer, inilagay nya iyon sa kilikili ko. Parehas kaming naghihintay na tumunog iyon.

"37.7" Sabi nya. "Hay sa wakas at bumaba na rin lagnat mo." Nakahinga sya ng maluwag.

"Daddy, 8:15 ka ulit iinom ng gamot ah. Every four hours ang inom mo, wag mong kalimutan. Kumain ka rin ng tanghalian." Bilin nya sa akin. "At higit sa lahat, dito ka lang. Hintayin mo akong makauwi." She added.

"Yes boss." Sumaludo pa ako sa kanya.

"Oh sige na daddy, babye na muna." Humalik pa sya sa akin bago sinuot yung school bag nya. Nasa tapat na sya ng pinto ng magsalita sya ulit.

"Yung mga bilin ko ah, umayos ka Kyrie Andrew."

"Opo." Sagot ko na lang dahil nabuo na yung pangalan ko.

Humiga na lang ulit ako sa kama, kaso ang tagal ko nang nakahiga ay hindi pa rin ako makatulog kaya bumangon ulit ako. Naboboring rin ako ah. Binuksan ko ulit yung tv pero wala naman doon ang atensyon ko.

Napadako yung tingin ko sa ibabaw ng cabinet ni Eros, may nakita akong box doon kaya tumayo ako sa sofa at nilapitan iyon. Inabot ko iyon, maliit lang ang box. Binuksan ko iyon, ganon na lang ang gulat ko ng makita ko kung ano ang nasa loob niyon. Kinuha ko kaagad iyon, isa iyong kwintas na may letter K na pendant.

"Bakit nandito ito?" Manghang tanong ko dahil kilalang-kilala ko yung kwintas na iyon. Paanong napunta iyon sa mga gamit ni Eros? Hindi kaya sya yung....

Medyo nagulat pa ako ng tumunog yung phone ko. Ibinalik ko iyong kwintas sa box at ibinalik iyon sa ibabaw ng cabinet.

Nilapitan ko yung phone ko at nakitang si Eros pala yung nagtext, napangiti naman ako dahil hanggang sa school ay ako pa rin ang inaalala nya.

"Kay, hope you're doing okay there. Don't skip your meals, especially your meds. I Love you."

Basa ko ulit sa text nya. Nagtype naman ako para replyan sya.

"I will, thank's mommy. Makinig ka ng mabuti sa prof nyo, wag puro chismisan kay Sam. I love you too."

Alam ko mapipikon na naman yun sa reply ko kaya inilapag ko na lang yung phone ko sa gilid ng kama at humiga ulit ako.

Naisip ko na naman yung kwintas na nakita ko. Paanong napunta iyon dito? Tatanungin ko na lang mamaya si Eros pag-uwi nya.













Lei Eros

"Bwisit kang kingkong ka!" Galit na bulong ko nang mabasa ko yung reply nya.

"Bakit besh?" Napansin naman ako ni Sam.

"Nang-aasar na naman si kingkong eh." Sabi ko.

"Baka magaling na kaya ganyan." Bahagya pa syang tumawa. Kinuwento ko kasi sa kanya kanina na okay na kami ni Kyrie at may sakit din ito ngayon.

"Malamang, mapang-asar na eh." Nakairap kong sagot.

"Sama kami ni Al mamaya sa bahay nyo, gusto namin makita si kuya eh."

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Where stories live. Discover now