But you proved me wrong, kaya ko pala. Kaya kong magmahal. Hindi pa pala talaga tuluyang naging bato ang puso ko. You showed me the things I believed do not exists. You made me believe in love, again. That out of all the billions people in the world, there is one person who would love me no matter how complicated my life is.

Sorry.

Sorry for hurting you.

Ang pag-iwan sa 'yo noon ang pinakamasakit na desisyon na ginawa ko. But I'm not sorry for choosing to protect you by leaving.

Palagi kong tinatanong sa Kanya kung para saan ang buhay na binigay Niya sa akin.

Nabuhay ba ako para lang paulit-ulit na pasakitan?

Pero nasagot ang tanong ko nang mahalin kita. Hindi Niya hinayaang masayang ang buhay na ipinagkaloob Niya. Dahil nakatadhana ang pagdating mo sa buhay ko.

I love you.

Sa ating dalawa ikaw ang unang nagsabi niyan. Ang mga salitang 'yan ang nagpalakas sa akin sa mga panahong hindi ko na kaya. Sa mga pagkakataong sukong-suko na ako. Ang boses mong nagsasabi na mahal ako ang sumasagip sa akin.

I love you more than the bad days ahead of us.

I love you more than any fight we will ever have.

I love you more than any obstacle that could try and come between us.

I love you the most and the miracle you gave me.

Mahal kita, Leighton. Sobra-sobra sa pagmamahal na inaakala mo.

Kung may salitang hihigit pa riyan, paulit-ulit kong sasabihin iyon sa 'yo hanggang sa huling hininga ng ko.

Let's be together until the end, love...

Always yours,

Alice Rhima Carreon-Monteciara

Hindi maampat ang pagtulo ng luha ko matapos kong basahin ang sulat na mahigpit kong hawak-hawak.

"Klode?"

Pinunasan ko ang mga luha ko nang marinig ang boses ng ina ko. Pero kahit anong pagpupunas ko roon ay ayaw nong huminto.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Mommy mula sa likuran ko.

"Sus, ang baby ko nage-emote." natatawa niyang sabi at mas lalong humilig sa akin.

Hinarap ko si Mommy at tila isang batang pinunasan niya ang mukha ko gamit ang panyo niya.

"Can you put this on m-me, My?" abot ko sa kanya ng necktie matapos maingat na ibalik sa kahon ang sulat na ibinigay sa akin ni Alice.

"Of course, baby."

Napakamot ako sa ulo sa tinawag niya sa akin. Pero hindi na ako nagkomento katulad nang dati dahil kahit ano pang mangyari, I'll always be Skyleigh baby.

Kumunot ang noo ko nang makita ang pangingilid ng luha ni Mommy.

"My..."

"I can't believe na ikakasal na ang baby ko. Parang nito lang ang liit-liit mo pa at napakasungit." natatawa niyang saad habang inaayos sa akin ang necktie ko.

Niyakap ko ang Mommy ko na mahigpit niyang tinugunan. "My, sorry for hurting you before. For disappointing you--"

"You never disappoint me, Klode. Though I must admit, nasaktan ang Mommy noon pero hindi dahil sinaktan mo ko kung hindi dahil nakita kong nasaktan ka. I was never disappointed with you. Always remember that. I am proud of the kindhearted man you've become."

Falling Relentlessly (COMPLETED)Where stories live. Discover now