02

2 0 0
                                    

Summer

SUNDAY ngayon at nakakulong lang ako sa loob ng kwarto ko. Nakaupo ako sa kama habang nakasandal sa headboard. Nakapatong ang itim na laptop sa hita ko habang naglalaro ako ng isang online game.

Ako ang nangunguna sa red team dahil sa dami ng kills ko. It's one of those shooting online games na may sari-sariling team. Ako ang tumatayong leader sa amin at isa akong sniper sa laro.

Habang inaayos ko ang view ko sa isa sa mga kalaban ay biglang nagring ang phone ko kaya naman inabot ko ito. The number is unregistered at kahit pinangaralan ako na wag makikipagusap sa ibang tao ay sinagot ko ito

Summer:
Summer Cobilla speaking.

Unknown Caller:
Mom wants to see you, are you free?

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ng tao sa kabilang linya. Deux?! Agad akong umayos ng upo bago sumagot.

Summer:
Excuse me, who's this? Your number isn't registered on my phone.

Unknown Caller:
It's Deux. Are you free?

Summer:
Saan mo naman nakuha ang number ko?

Unknown Caller:
From a friend of yours. Are you free?

Summer:
Friends? Sino doon?

Unknown Caller:
The one who called me Mr. Germany. Are you freaking free? Nakakailang tanong na ako sayo.

Summer:
Yes, I am. Kelan ba yang sinasabi mo?

Unknown Caller:
An hour from now. I'll pick you up right at your doorstep. Bye.

Binaba agad nito ang linya matapos sabihin yon. Nagtataka man ay nag-exit na ako sa laro para maghanda. Pumunta ako sa CR para icheck ang sarili ko. Pumasok ako sa shower area at naligo ng tuluyan. After washing my hair with my peach scented shampoo, inabot ko naman ang liquid bath soap ko at inilagay sa bath gloves ko. I scrubbed my whole body and shaved my legs.

Matapos maligo ay tumapat ako sa vanity mirror para mag-blowdry ng aking buhok. Iniayos ko ito at nilagyan kaunting waves. Naglagay ako ng simpleng make up para naman hindi halatang pinaghandaan ko ito. Sunod naman ay lumipat ako sa walk in closet ko at naghanap ng susuotin.

Pinili ko ang isang simple white spaghetti stap tank top, boyfriend jeans at Nike Airforce 1. Nagdala rin ako ng gray cardigan. Kinuha ko ang cellphone, wallet at kung ano ano pang kailangan ko at inilagay sa sling bag ko.

I sprayed my favorite perfume, Killian' Love don't be shy perfume. Nang masigurdo kong ayos na ako ay umakyat na ako sa spiral staircase, na nakatugon sa mismong bedroom ko, at dumireto sa pinto para makalabas na ako ng kwarto at sinalubong ako ng paintings na nakasabit sa pader.

Bumaba na ako sa wooden staircase na nakatugon sa pagitan ng living room at dining room namin. Inabutan ko doon ang kapatid kong si JC na kumakain ng snacks. Her hair is tied in a messy bun at nakasuot ito ng oversized hoodie at shorts.

"Sina Mommy?" I asked her.

"Dad's at work, Mom is nowhere to be found," sabi nito sa akin na tila ba normal lang ito.

I shrugged saka lumapit sa two door fridge at kumuha ng almond milk at nagsalin sa baso. After drinking my milk, narinig kong tumunog ang pintuan. Tumayo si JC para pagbuksan ang mga naroon at maya maya pa ay narinig ko ang boses niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lluvia En Mi VeranoWhere stories live. Discover now