01

0 0 0
                                    

Summer

Ilang linggo na ang nakalipas at naiinis parin ako kay Deux. He's been an a--hole ever since he transferred here and guess what? He's elected to be the Vice President so it means na lahat ng meeting na aattendan ko ay kasama siya.

Friday ngayon kaya naman nakasuot kami ng PE uniform namin. Blue with white side strips ang kulay ng jogging pants habang plain white shirt na mag nakasulat na section sa likod at pangalan sa upper left naman ang pang itaas. Pinatungan ko ito ng black hoodie dahil trip ko lang.

Lahat ng estudyante na ay required na makicooperate sa Friday Clean Up sa school kung saan ang mga estudyante mismo ang naglilinis para narin makapagpahinga ang guards at staffs. Section namin ang naakassign ngayon sa vegetable garden sa likod ng paaralan at bilang presidente ay ako ang naatasan upang ilead sila.

Pumunta ako sa harapan at pumalakpak ng malakas para makuha ang kanilang atensyon. Successful naman ito dahil lahat sila ay lumingon.

"For this Friday, we're not cleaning the whole floor. Tayo ang naatasang magdilig sa mga halamang gulay sa likuran ng main building," pag-a-announce ko sa lahat.

Kitang kita ko naman ang pagkadismaya sa mga mukha nila. Muli kong kinuha ang atensyon nila at nagsalita uli,

"Think of this as a break. Hahatiin ang trabaho ngayon, isa pa gumagana lahat ng garden hose sa likuran kaya naman di tayo mahihirapan." Pag-mo-motivate ko sa kanila.

Sumang-ayon naman ang iba at nauna na silang bumaba ng building, lumabas narin sina Joem at Lia dahil kasama rin sila sa officers na mangunguna sa pagdidilig. Nakita ko namang nakadukdok parin sa lamesa si Deux.

Nilapitan ko ang binata at tinapik ang balikat nito.  He's not responding kaya inalog alog ko na rin.

"Deux. Deux! Wake up!" Pag gising ko rito ngunit wala paring response.

Kinabahan na ako kaya dahan dahan kong iniangat ang ulo niya at kita kong pawis na pawis na siya at namumula. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko at ipinunas sa noo nito. He's shivering at di ko alam kung bakit, kaya naman hinubad ko ang hoodie ko at ibinalot sa kanya.

"Deux, can you hear me? Deux," paulit ulit kong tawag habang dahan dahan kong tinatapik ang pisngi niya.

Dahan dahan niyang iminulat ang mata niya at nginitian ako kahit nahihirapan na siya,

"You care for me huh?" He whispered at me.

"Ano bang nangyayari sayo ha?!" Naiinis kong tanong sa kanya.

Nahihirapan na nga't lahat mayabang parin. Psh! Hinintay ko ang sagot niya. He's stuttering kaya di ko maintinhan. Dahan dahan kong ibinalik yung ulo niya sa pagkakadukdok saka ako tumakbo papunta sa teacher's table kung saan nakapatong ang telepono.

I dialed the infirmary's number and called then. Nakailang ring ang tawag bago sagutin ng tao doon.

Infirmary Attendant:
Hello, Cristina of Infirmary speaking.

Summer:
Hi, yes. This is the President of 11 HUMSS D. My name is Summer. I have a situation here.

Infirmary Attendant:
Okay, Summer. Stay calm and state your situation.

Summer:
One of my classmates. He's not responding well. Cold sweats and shivering. Sinisipon din siya tapos parang pagod na pagod.

Infirmary Attendant:
Ganito gagawin natin, I'll send some people to pick him up then sumama ka na rin together with your homeroom teacher.

Lluvia En Mi VeranoWhere stories live. Discover now