Una

8 0 0
                                    

"Unang pahina
Isinulat sa papel na luma
Na nakaligtaan"

Parang ako.

Teka, sino ka nga ba?

Ako ang lumang ikaw.

Huh?

Hindi mo pa lubos na maiintindihan. Pero ako ito, ako ang lumang ikaw.

Puwede ba na---

---oo naman, simulan ko sa una.

----- SIMULA -----

"Gumising ka na nga diyan!!!" Ang saya naman, ginising ako ng magaling na magaling kong kapatid

"Manggigising ka na nga lang, mali ka pa! Jusmeyo RIYAN!!!! Hindi DIYAAAN! Sakit mo sa tenga."

Aba, walang hiya. Hinampas pa ako ng malaking unan. Loko talaga 'yon HINDI NIYA BA ALAM NA ANG SAKIT-SAKIT 'NON HA????

"Inuutusan ka ni Tiya. Mamalengke ka na daw. Lagot ka 'pag alas-onse 'di ka pa nakabalik dito."

Sumilip ako sa orasan. Walang hiya na 'yan ALAS-DIYES NA.

Napapanic na ako. Toothbrush na lang at gumora na ako. Nasstress na talaga ako sa buhay ko bakit gano'n nangyayari.

Kumuha ng basket at tumakbo na ako palabas nang marinig kong tumawa itong magaling kong magaling

"Ang dali mo rin mauto, noh? Hoy Sabado pa lang HAHAHAHAHAHAHA!!!"

Walang hiya ka talaga.

'Yung kaninang hinampas niyang unan sa akin, hinampas ko rin sa pagmumukha niya.

"WALANG HIYA KA TALAGA EH 'NO!!!" Sabay ng paulit-ulit na hampas ko sa kanya ng unan.

"CHERUBIM!!! SERAPHIM!!! NAPAKAINGAY NINYO!!! HINDI NIYO BA ALAM NA RINIG KAYO SA KAPITBAHAY HA???!!" Ayan na ang mayora naming si Tiya Cely.

"Tiya, kausapin niyo 'yang batang 'yan. Loko gigisingin ako eh mamamalengke raw!"

"Nagpakapaniwala ka naman ha? Eh alam mo namang Linggo ka namamalengke, hindi ba? Ha? Doñia?" Ako pa talaga 'yung Doñia ha? Ang saya.

-----

Ano namang kinalaman nito sa'kin?

Relax, nagsisimula pa lang ang pagkukuwento ko sa'yo.

So... ako 'yung C-Che-

Cherubim. Oo, ikaw 'yun. At oo, ako rin si Cherubim.

Teka, paano nangyari 'yun?

Paraluman. Compass.

Teka, lalo pang nagiging komplikado HAHAHAHAH

Sige, tumawa ka lang. Basta tandaan mo, hindi mo kasalanan ang nangyari

Hindi mo kasalanan ang nangyari

Hindi mo kasalanan

Hindi mo kasalanan

Hindi mo kasalanan

Hindi mo kasalanan

Hindi mo kasalanan

Hindi mo kasalanan

Hindi... hindi...





Hindi.



"Unang pahina
Isinulat sa papel na luma
Na nakaligtaan"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ParalumanWhere stories live. Discover now