"W-wag na wag ko daw  kayong sasaktan dahil mahal na mahal niya daw kayo....Halatang subrang lapit na nga ng loob niyo sa kanila"
Sabi ko sa kanila.
"Wag sasaktan eh kayo nga lagi ang nananakit sa'kin"
Bulong ko naman na nag-attempt pang may kung anong tinitignan sa itaas.

"Narinig ko yun..."
Gulat kong sinulyapan si Ethan.
"But it's okay,I understand"

'Ano ba yan nakakahiya...
Buti pa siya,he always understand me.Pero ito?yung driver namin?Ha! Kailan pa siya naging maintindihin?...Himala nalang siguro kung mangyayari man yun'

"Bakit bro ano bang binulong niyang si Ms. Pepa?"

Napatingin ako kay Ethan.

Sana naman hindi niya sabihin....

"It's just nonsense...No reason to know then"

Mabuti kung ganon.
Nginitian ko nalang siya.

Nakarating naman kami ng bahay na safe at yun na nga madilim na,pero hindi naman nagalit si mamay sa'kin dahil may tiwala naman daw siya sa LIMA.Tsk kung alam lang talaga ni mamay ang tungkol sa kanila kung alam lang niya!Hindi yun magdadalawang isip na sabihing layuan ko na ang mga DEVIL....

Ngayon kasabay namin silang magdinner,tsk kainis nga eh!
Pero wala parin akong magawa kundi ang patuloyin at pakainin nalang sila,sino ba ako?di naman ako ganon ka sama gaya ng Mr.Demon na yun na parang may Bipolar! Minsan nagiging anghel tapos maya't-maya balik ulit sa pagiging demonyo.Pero kahit ganon,meron din naman siyang pusa iste puso para sa mga nangangailangan kagaya kanina sa bahay-ampunan ng mga matatanda.
Si Ethan I can say medyo mahiyaan siya minsan,pero mas gusto ko yung parang lumalagpas na siya sa comfort zone niya kumbaga mas pinapakita niya ang ibang side ng pagkatao niya at dun ko mas lalong nakikita na cool pala talaga siyang tao.
Then si Vincent,well hindi naman siya gaano ka sama gaya ni Darryl hindi din gaya ng personality ni Ethan, pero dahil narin siguro sa broken family siya kaya ganyan nalang ang ugali niya pero overall he's a nice guy naman for me.
And si Jake,tsk ewan ko diyan sa lalaking yan hindi ko alam kung tanggap ba niya ako maging pinsan niya o dahil lang sa itsura ko kaya niya ako laging iniinis,pero kahit na ganon yun mahal ko yun!bata pa kami siya na laging kalaro ko at hanggang ngayon nga eh nakikipaglaro parin sa'kin kahit bwisit na bwisit na ako sa kanya dahil subra na siya!Pero yun nga kahit ganon mahal ko parin siya as my cousin.
And lastly si Lesther, the lola's boy uhhhh....Hindi ko akalain na ganon ka mahalaga para sa kanya ang mga matatanda,kung buhay lang talaga ang lola niya ngayon I'm sure mas higit pa sa ipinapakita niyang malasakit sa iba ang ipaparamdam niya sa lola niya.About that I'm so impressed and now gusto ko narin siya bilang kaibigan ko.....

Haba ng tribute noh?...heheheh!

Monday.

Is this real?parang kahapon lang sabado ah heheheheh!

Lunes ngayon pero andito parin ako sa bahay namin,sabi kasi ni Mr. Demon dadaanan lang daw kaming tatlo dito sa bahay,kami ni Nur,Jake and of course yours truly....
Mag-aout of town kasi kami ngayon,pupunta kaming batangas at tatlong araw kami doon kaya andami kong hinandang gamit.Nagdala pa ako ng unan,kumot at syempre bed sheet!Girls scout 'to noh laging handa....Oh yeah!

Kung pwede ko lang dalhin kaldero namin,hay gagawin ko talaga!

"O anak basta pagnasa biyahe kayo wag na wag kang matutulog ah!"
Si mamay talaga kung ano-ano na mga pinagsasabi,pa'nong hindi ako matutulog eh nakakapagod kaya yun.

"Mamay talaga bakit naman po?"

"Eh baka tumulo laway mo!nakooo tulo laway ka pa naman..."
Sabi sa'kin ni mamay.

"Grabi naman po...."
Nag-pout naman ako.

"Oh bes b-ba't?..."
Isa-isa niyang tinuro mga dala kong gamit.
"...Ba't andami mong dadalhin?Hello uuwi tayo noh hindi tayo dun titira"
Ewan pati si Nur hindi ko narin maintindihan.Ano bang mali sa apat na bagahe?...

CAPTIVATED BY MR.DEMONWhere stories live. Discover now