15.2 BASTA KASAMA KITA

346 15 0
                                    

"Sagutin mo muna ang tanong ko," nakangising tanong ni Amado habang panay ang palo nito sa kabayo.

Napalingon siya sa likuran at napalunok siya. Papalapit ng papalapit ang mga ilaw at naamoy na niya ang mga lobo.

"Isang tanong, isang sagot—"

"Amado pakakasalan kita!" gigil na sagot niya rito at gusto niya itong kurutin ng pinong-pino! Napakapilyo din pala nito maging sa hindi tamang pagkakataon!

"Mahal mo talaga ako?"

"Oo!" sigaw niya at napakamot ng ulo. Ano't nakuha pa nitong maglambing? "Bilisan mo at hinahabol na tayo!"

"Mahal din kita," anas nito.

Biglang-bigla, parang wala na siyang pakialam pa sa paligid nila ng marinig ang masuyong boses ni Amado. Bumilis ang tibok ng puso niya at nagkatitigan sila nito. Napalunok siya. Nakakauhaw ang mga titig nito at ang labi lamang nito ang makakatighaw ng uhaw niya.

Agad niya itong siniil ng halik. Habang mabilis ang takbo ng kabayo... habang hinahabol sila ng mga lobo. Iyon ang ginagawa nila ni Amado... ang punan ang pagmamahalan nila dahil sa simpleng halik na iyon.

Nang lumayo ito sa kanya ay napangisi ito. "Wala ng bawian. Magpapakasal ka sa akin pagdating natin sa Ygnacia Escandido."

Napaungol siya sa kakulitan nito. Isang masuyong pagpisil sa baba niya ang ginawa nito bago nito inilipat ang renda sa kamay niya.

Bigla siyang naalarma. " Amado! Ano'ng ibig sabihin nito?"

Huwag itong magkakamaling sabihing mauna siya katulad ng ginawa nito! Malilintikan ito sa kanya! Hindi siya makapapayag na mauna! Dapat ay magkasama sila nito!

"Pakihawak lang," nakangising saad nito saka siya kinindatan.

Napasinghap na lamang siya ng sa isang iglap ay tumalon ito at agad na nagpalit ng anyong lobo. Namangha siya sa magkakaibang kulay ng tila isang apoy na bumabalot sa katawan nito. Napalingon siya sa likuran at napanganga siya sa sumunod na nangyari.

Sa isang alulong ni Amado ay nabiyak ang lupa. Nahulog doon ang ilang hindi handang lobo at ang ilan ay nalampasan iyon. Gayunman ay hindi pa rin nakalayo ang mga ito. Agad na nagkatawang tao si Amado at kitang-kita niya ang mga apoy na nagmumula sa kamay nito na ibinato nito sa unahang bahagi ng mga lobo kaya hindi nakaraan ang mga ito.

Hangang-hanga siya sa ginawa nito. Kalahati sa pangkat ng mga lobo ang natapyas! Muli itong nagkatawang lobo at humabol sa kanya. Kitang-kita pa rin niya ito sa malayo dahil si Amado lamang ang lobong mayroong kakaibang liwanag.

"Ayos ba?"

Napasinghap siya ng sa isang iglap ay nasa likuran na niya ito at nakahubo na naman ito! Gusto na talaga niya itong pagkukurutin! Kung makaasta ay nagpapapogi pa ito sa kanya. "Ginagawa mong laro ito,"

Natawa ito at gigil na hinalikan ang pisngi niya. "Masaya lang ako dahil kasama kita."

Natawa tuloy siya sa sinasabi nito. Kahit dama pa rin nila ang pagsunod ng mga lobo ay hindi na siya nabahala pa. Tingin niya'y kaya ng pabagsakin ni Amado ang lahat.

Ilang sandali pa ay tinalunton nila ang masukal na gubat paakyat ng Barlig. Napahanga siya sa nakitang liwanag sa tuktok noon. Bagaman papasikat na ang araw, nandoon pa rin ang apoy na sinasabi ni Amado sa kanya.

"Nagustuhan mo ba?"

Agad siyang tumango rito at ngumiti rito. "Napakabuti mo, Amado,"

Natawa ito at napakamot sa pisngi. Napangiti siya ng makitang nahihiya pa ang lobong ito. Gayunman ay totoo naman iyon. Napakabuti nito para paglaanan siya ng ganoon katinding panahon at sakripisyo.

"Amado!"

Tumigas ang kanyang likuran ng sa isang iglap ay katapat na nila ang ama ni Amado. Sakay ito ng kabayo at walang humpay sa pagpalo para tumakbo pa iyon ng mabilis. Mahigpit siyang niyakap ni Amado upang protektahan.

"Hindi ka magtatagumpay!" galit na sigaw ng ama nito.

"Kayo ang hindi magtatagumpay!" sigaw na balik ni Amado.

"Wala kang utang na loob! Sarili mong kalahi, kinalaban mo!" galit na sigaw nito.

"Mahal ko siya at ito ang desisyon ko!" determinadong sigaw ni Amado sa ama bagaman alam niyang masakit din para kay Amado iyon. Ama pa rin nito ang kausap nito at nakikita niya sa mukha ni Amado na nahihirapan ito ngunit pinipili lamang nitong magpakatotoo. "Ikakasal na kami! Sinasabi ko ito dahil ama ko kayo pero hindi ko na hihintayin pa ang bendisyon niyo! Alam kong mas mahalaga sa inyo ang digmaan kaysa sa akin!"

Sunud-sunod ang naging pagpalo ni Amado sa kabayo at humarurot pa iyon ng takbo. Mahigpit ang ginawa niyang paghawak kay Amado. Ilang beses itong napabuga ng hangin para pahupain ang damdamin.

"Amado..."

Ngumiti ito sa kanya. Hindi iyon umabot sa mga mata nito. "Magiging maayos din ang lahat." Anito saka siya hinalikan sa ulo. "Ipangako mo sa akin na kahit na anong mangyari... pagaralan mong patawarin siya. Hindi ko hihilinging agad-agad pero huwag mong bawalan ang sarili mong palipasin ang lahat ng galit sa dibdib mo. Sinasabi ko ito hindi dahil ama ko siya kundi dahil mahirap magtanim ng galit sa dibdib..."

Agad siyang napatango rito. Alam niyang tama ito at iyon naman ang balak niyang gawin. Hindi na niya aasahan pang gumawa ng hakbang ang ama nito dahil alam niya ang personalidad nito. Matigas at hindi marunong yumukod upang humingi ng tawad. Solido ito katulad ng matigas na bato at kung sinabi nitong puti ay hindi na iyon magbabago pa kahit kailan...

YGNACIA ESCONDIDO (HIDDEN YGNACIA)  BOOK 1: SYMLA, ANG ITIM NA SANTADonde viven las historias. Descúbrelo ahora