The Corner of Bonifacio Street

93 10 2
                                    

The Corner of Bonifacio Street

---

Nakaupo lamang ako rito sa veranda ng aming bahay kung saan pinanonood ko ang mga tuyong dahon na nalaglag sa lupa at hinahangin ito. It's already five in the afternoon.




"Katana! Bumili ka nga ng barbecue diyan sa kanto!" utos ng aking nanay. Tumayo ako at kinuha sa kaniya ang pambili at naglakad na palabas ng aming bahay.




Sa kanto lang naman ng street namin ang bilihan kaya 'di na kinakailangan pang mamasahe o ano. Habang naglalakad ay may ngumingiti sa aking ilang kakilala kaya nginingitian ko rin sila pabalik.




"Katana, ang sukli mo!" sigaw nung tindera nang muntik ko ng maiwan ang sukli. Kinuha ko ito mula sa kaniya at naglakad na pauwi. Pagkalingon ko para maglakad na pauwi ay may biglang bumangga sa akin dahilan para mabitiwan ko ang aking dala.





"ANO BA?! TUMITINGIN KA BA SA DINADAANAN MO?!" galit ko sigaw sa lalaking nasa likuran ko. Mukha yatang nadapa siya dahil sa pagkakabangga sa akin. Ang clumsy naman ng isang 'to. Pinulot ko muna yung nabitawan ko bago ko siya tinulungang makatayo.




"I'm sorry, miss. 'Di ko sinasadya, palitan ko nalang 'ya--"





"No, ayos lang. 'Di naman nasira yung balot kaya 'di rin for sure naapektuhan yung loob," Pagputol ko sa sasabihin niya. Ngumiti siya sa akin at naglahad ng kamay. Wow? Nakikipagfriends?




"I'm Clyde by the way. You're??" Inabot ko ang kamay niya bago ngumiti at sagutin.




"My name's Katana."





Hindi ako nakatulog ng gabing iyon kaya naman puyat na puyat ako. Hindi ko alam kung ano ang rason para isipin ko ang lalaking 'yon.




Matangkad, moreno, katamtaman lang ang katawan... Ang gwapo naman shet!




Magmula noong araw na iyon ay araw araw na akong naghihintay kung dadaan siya sa bahay para masulyapan siya at tama nga ako dahil araw araw, walang palya siya kung dumaan sa bahay. Feeling ko tuloy, ako ang dahilan kung bakit! Hihi! Sa mga sumunod pang araw ay naisipan ko ng lumabas labas ng bahay upang magpapansin. Sayang naman kung lagi ko lang siya sinusulyapan. Malay mo magkajowa na ako dahil dito.






"Hi! Clyde pangalan mo diba? Tara softdrinks tayo. Libre ko!" pag-aya ko nung makita ko siya.




"Sure, hahaha! Sa susunod ako naman ang manlilibre," pagpayag niya at dahil doon ay labis na kagalakan ang naramdaman ko.




Naging magkaibigan kami sa araw araw ba naman naming pagkikita t'wing hapon sa kanto ng street namin. Tatambay lang kami sa labas ng bahay o sa mga tindahan, kakain sa barbecuehan sa kanto, maglalakad pabalik balik, maglalaro ng kung ano ano. Kahit na diyan lang kami sa labas ng bahay gumala o 'di kaya rito lang sa street ay masayang masaya na ako. Hindi ko naman pala kailangan ng malalayong bakasyon para magsaya kung andito naman ang isang 'to




"O dali! Ibang pose naman!" Pumwesto siya sa likod ko at niyakap ang leeg ko habang ako ay naka-peace sign.




"1...2...3..." Ngumiti kaming dalawa bago ko pinindot yung click.




"Tingin!" Tinignan naming wala ang mga larawan namin. Mukha kaming couple kahit magkaibigan lang kami. Yeah, friends lang kami pero alam ko naman sa sarili ko na higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa kaniya.




I like him.





But does he feel the same way?




Nakangiti lang akong tinititigan siya habang tuwang tuwa siya sa mga litrato namin. Napawi ang ngiti niya nang makita akong masayang naktitig sa kaniya.



Compilation of One Shots StoriesWhere stories live. Discover now