Pero hindi ako 'yun. Hindi na ako 'yun.

Napahawak nalang ako sa'king pisngi nang ma-realize na umiiyak na pala ako. I feel so heavy. 'Yung lingerie na naka-ibabaw sa bandang puson ko ay biglang bumigat. Paalala ito ng kailangan kong gawin.

It's not a good feeling. Pero nakatulog ako sa ganoong ayos. Paggising ko, umaga na pero wala parin si Monic.

Nothing new.

Tumayo na ako at nag-unat. Sumakit ang likod ko dahil sa sahig. Sumasakit rin ang aking ulo. Pero hinayaan ko nalang. Nag-ayos na ako para pumasok sa trabaho.

I decided to just grab breakfast on the way to the university. See, I teach Philippine Literature in my college alma mater. Doon rin ako nagtetake ng aking master's degree.

About breakfast, marunong naman akong magsaing at magprito ng itlog, pero dinapuan ako ng katamaran. Sa McDo nalang ako mag-aalmusal.

Sukbit ang shoulder bag at laptop bag sa isang balikat, kinuha ko na ang susi ng kotse. Nagdodouble check lang ako ng mga bagay-bagay bago umalis nang bumukas ang main door. Napatingin ako roon at nakita ko si Monic.

"Hi babe," may halong gulat na bati niya. Though there's a smile on her face. "Off to work?"

"Yeah," I said, going back to scanning my surroundings. "Just checking kung may naiwan ba ako."

Nang makitang wala na ay humarap na ulit ako sakaniya. Nabigla ako nang makitang may kasama pala siya.

"Hi, Sia," bati nito saakin.

My expression turned blank. May bagyong namahay sa tiyan ko. "Doc," sabi ko.

Monic managed a smile. "Hinatid lang ako ni Doc Mira, babe." Lumapit siya at humawak sa braso ko. I didn't even flinch.

"Pa'no, Monic, I'll go ahead," paalam ng doktora.

"Ayaw mong magbreakfast, doc?" tanong ni Monic.

Napatingin ako sakaniya. Hindi ko alam kung maiinis ako o maiinsulto. I gave her a knowing look. "Hindi ako nagluto ng almusal, babe. Paano yan?"

Binigyan niya rin ako ng tingin, na sa interpretation ko ay parang nagsasabing, magpakabait ka. Boss ko 'to.

"Kahit kape lang naman," ani Monic sabay baling kay Doktora Mira Rosales. Ngumiti pa siya.

I sighed. Bahala nga siya sa kung anong gusto niyang gawin.

"I'll leave you girls to it," sabi ko na may pilit na ngiti. Hinalikan ko ang pisngi ni Monic saka nagtungo sa pintuan. Tumabi ang doktora para padaanin ako.

"Ingat ka, Sia," anito.

Napalingon ako. The doctor's smiling at me. Pero hindi mabait ang dating saakin. Parang may ibang gustong sabihin.

Nabagabag ako.

Nabagabag ako kasi hindi ako nakaramdam ng takot sa ngiti niya. Worried ako na hindi na ako worried sa kung ano mang gawin niya. And what's even more worrying is that, I was hoping she takes Monic.

I'm hoping she saves her from me.

Pinilit kong ngumiti bago tumalikod nang muli.

Pagkapasok ko sa sasakyan ay natulala ako. I'm still bothered by my feelings. It's battling against my conscience and my values. I feel guilty feeling this way.

Kailangan ko talagang mag-double effort, isip ko sabay hilamos ng mukha. I cannot let myself fall out of this relationship. Kay tagal namin 'tong pinaglaban.

Before RosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon