"I got you, Baguio Girl."

"Huh? Labo mo!"

Pinilit niya akong pinasakay sa itim na BMW niya. Kahit na ilang beses akong magtanong kung saan niya ako dadalhin, hindi siya sumasagot nang maayos. Sinasabayan niya lang yung mga kanta sa radyo. Nang-aasar ba. Pero nakakatawa siya kasi pati yung mga kanta ni Beyonce at Taylor Swift alam memorized. Para tuloy may karaoke sa loob ng sasakyan.

Nag-park siya sa harap ng isang shop ng damit. Siyempre na-gets ko na agad kung anong gagawin namin doon. Yung mga dress sa window display mukha ng mamahalin ano pa kaya dun sa loob.

"Hoy!" Hinila ko siya bago niya pa mabuksan yung pinto. "Di ko afford mga damit dito. Mukhang mahal e."

"I told you I got you."

"Isa pang kindat tutusukin ko na yang mata mo e!" Sarap sapakin nitong lokong 'to!

Nakatayo lang ako habang may kinakausap si Caeus na babae na kulang na lang idikit niya yung mukha niya kay Caeus. Tinext ko na din sina Hailey na hindi ako makakasamasa sa kanila ni Steph. Magkita na lang kami sa dorm mamayang hapon.

"Jessica, come here."

At Jessica ako ngayon ha. Kanina Baguio Girl.

"Hoy! Mama at papa ko lang tumatawag sa akin ng Jessica. Magulang ba kita?"

"Stop talking and try on these dresses."

"Hindi ko nga afford yan! Kulit mo."

"You're the makulit one. Obviously, I'm paying."

"Ganun din yun. Ayoko magkautang sa'yo." I argued.

Napakamot siya ng ulo bago ipinatong yung mga kamay niya sa magkabilang balikat ko. As if on cue, na-high na naman ako sa amoy niya. "Just look at it this way. I'm paying you back for tutoring me. I passed and I owe it to you. Now, I want to treat you. Okay na ba?"

"Okay." Ang bango niya. Bakit ganun? Kahit kailan, kahit saan mabango siya. Parang hindi tama.

"Good. Now this is Daisy and she's gonna help you try on a few dresses." High pa rin ako kaya naitulak niya ako papunta kay Daisy. "Go. We don't have much time."

Loko 'to ah!

"Thank you." sabi ko pagbalik namin sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung bakit tatlong dress yung binili niya. E isa lang naman kailangan ko isuot mamaya. 'Di ko na tinanong kung magkano kasi baka mahimatay lang ako sa presyo. Basta alam ko mahal bawat piraso.

"You're welcome." sabi niya habang nakangisi.

"Bakit tatlo?"

"One for tonight, the other two looked beautiful on you."

"Asus! Nambola ka pa! Pero thank you talaga. Hihiram na lang ako ng sapatos kay Issa tapos kumpleto na ako mamaya."

"We can get a pair after we eat. I'm hungry na."

Hindi na ako tumanggi nang mag-suggest siya kumain dun sa bistro na suki na kami. Ang totoo, sobrang gutom na ako. Kape lang kasi almusal ko.

Nagkwentuhan kami pero ako lang yung talagang nagkukwento. Curious siya bakit sa Carlyle ako nag-aaral at bakit biochem ang program ko. Nagkukwento rin naman siya pero konti lang.

Mas open siyang pagkwentuhan yung mga kaibigan niya lalo na si Amber at Xander. Simula bata magkakaibigan na sila. Pinipigilan kong magtanong tungkol kay Xander. Baka mahalata niya na crush ko yung kaibigan niya.

"Ang ganda talaga dito." Sabi ko nung nagbayad na siya at paalis na kami. "Ilang babae na dinala mo dito?" biro ko.

"Two." sagot niya.

The Art of FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon