2: Carlyle's Finest

Magsimula sa umpisa
                                    

Akala ko ba graduating na si Caeus? Bakit may minor subject pa siya?

"Mr. Celeste! It's so nice for you to join my class for the third time." sabi ni Sir Torres. Natahimik yung buong klase.

"Can't help it, sir. Favorite kita e." sabi niya in a maangas way sabay kindat kay sir. Napabuntong hininga na lang si sir bago tumalikod at nagsulat sa board.

Naglesson agad agad si sir tapos next meeting quiz. Buti na lang nag-advance reading ako nung summer kaya nung may tinanong siya at tinawag ako nakasagot ako nang maayos. Medyo nabilib nga si Hailey at Steph sa akin kasi alam ko yung sagot. Kung sila raw ang natawag, wla silang masasagot.

Nahuli akong lumabas ng classroom kasi pina-stay ako ni sir. "Miss Javier, by any chance are you related to Cecile and Johann Javier?"

Nanlaki yung mata ko. Bakit kilala ni sir yung mga magulang ko? "Ah, e. Mama at papa ko po. Bakit po, sir?"

"I knew it. I guess the love for science runs in your blood. You may go."

Si sir may creepy vibes din! Tinext ko agad si mama kung may kakilala siyang Sir Torres dito sa Carlyle. Nag-reply naman siya agad na manliligaw niya raw si sir noong college. Naging classmate sila ni mama. Na-gets ko na yung sinabi ni Sir na Science runs in you blood. Pharmacist si mama tapos si papa forensic scientist bago tuluyang naging pulis.

Hindi naman siguro ako pepersonalin ni sir kahit binasted siya ni mama. Mukha namang okay siya.

Paglabas na paglabas ko ng room, biglang may humila sa kamay ko tapos napasandal ako sa dingding. Nagulat ako nang makita kong si Caeus yung humila sa akin. Mumurahin ko na sana pero kinulong niya yung mukha ko mga braso niya habang nakadikit sa dingding yung mga palad niya. Yumuko siya para magkapantay kami ng tingin.

Problema nito? Hindi ako makapagsalita kasi naman ang lapit ng mukha niya sa akin. Baka mamaya bad breath ako. Shet! Bakit ang bango niya? Parang bagong ligo!

"I want you to tutor me." sabi niya. Parang na-high naman ako kasi ang bango ng hininga niya. Bagong toothbrush lang ang peg!

"H-ha?" nauutal na ako sa sobrang bango niya! Ano ba yan, Jess? Gumising ka nga! Naitulak ko siya ng kaunti palayo sa akin. Grabe! Tigas ng katawan niya ha! Shet! "Hoy! Kung makapag-demand ka akala mo close tayo!"

Buti naman at bumalik na ako sa pagkatino. Feeling naman ng isang ito. Ano marami akong time mag-tutor?

Grabe naman itong mukhang ito. Ang kinis ng balat, ni isang pimple o blackhead wala. Yung mga mata niya parang kumukutitap, yung ilong matangos at yung mga labi, parang ang lambot.

Caeus snapped his fingers in front of my face. Natulala pala ako. "Hey! So? Is it a yes or a yes?"

Aba! Akala niya siguro makukuha niya ako sa pakindat kindat niya. "Um... No?" nagtaray na ako. Hindi niya ako madadaan sa kagwapuhan niya.

"C'mon, Baguio Girl!"

At hindi niya pa alam pangalan ko ha! Baguio Girl?

"Ni hindi mo nga alam pangalan ko. It's Jess Javier, FYI. Not Baguio girl!" Nagsimula na ako maglakad! "Tutor mo mukha mo!"

Hindi na niya ako sinundan. Thank god! Pero bigla naman siyang sumigaw. "You're gonna say yes, Jess Javier! I'll make sure of it! See you on Wednesday!"

Packing tape! Kung maka-say yes naman siya akala mo nag-propose sa akin. Sinigaw niya pa ng malakas yung pangalan ko. Nakakahiya. Kumaripas ako ng takbo bago pa magsitinginan yung mga ibang estudyante.

*****

"Sorry." sabi ko tapos nagpatuloy ako sa paglalakad. Dalawang hakbang palang ata nagagawa ko nang may humila na naman sa akin.

The Art of FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon