Hey guys this is the second one I wrote yung una kasi irerevise ko siya so ito na yung magiging first story ko so I hope you gonna support me 😀
If you are looking for a perfect story this is not the story you're looking for ,you are free to find another one because this story contains some errors🙅mahirap mag type sa phone eh
Im not perfect guys kaya pasensya na ,hindi rin ako magaling sa english kaya kung may pagkakamali man sa mga grammar , spelling ko sorry po tao lang😊
RubylynS22rubylyn this is for you 😚 fighting
PLAGIARISM IS A CRIME✔
Enjoy Reading 😘
👇👇 Prologue
-----
Tanaw na tanaw niya ang dagat mula sa sanga ng kahoy na kinauupuan niya. Nakikita niya kung paano humahampas ang alon sa mga batuhan, Ang araw na unti unting lumulubog dahil sa palapit na pagdilim.Isinandal niya ang sarili sa kahoy at unti unting pinikit ang kanyang mga mata ,ninamnam ang simoy ng hangin na yumayakap sakanya.
Nakagawian niya ng pumunta sa kabilang isla para manguha ng mga kahoy dahil mas marami ang mga nahuhulog ng sanga ng kahoy dito sa kabilang isla at para na rin tumambay sa paborito niyang puno. Sa edad niyang sampu natuto na siyang umakyat sa mga puno para lang matulog at hanapin ang kapayapaan .
Napadilat siya ng may narinig siya ng kung ano kumaluskos sa kakahuyan sa hindi kalayuan sakanya, hinintay niya ang paglabas ng kung ano man na nilalang ang nandun pero hindi niya inaasahan na isang babae ang lumabas at may hawak hawak itong kapirasong napigtas na sanga ng isang kahoy at nakasuot itong ng bestidang bulaklakin na kulay puti na hanggang tuhod na naayon naman sa makinis at maputi nitong balat nakita niya kung paano tangayin ng hangin ang mahahaba nitong itim itim na buhok hindi niya kita ang mukha dahil mataas na puno ang kinauupuan niya at ito ay nakayuko.
Hindi niya maialis ang paningin niya dito nais niyang makita kung anong itsura nito ngunit naalala niya na mamumulot pa pala siya ng mga sanga na kahoy
Ilang minuto bago niya naisipan bumababa at gawin na ang mga dapat niyang gawin tahimik siyang umapak sa mga sanga, nakatalikod naman ito at busy pagmasdan ang tanawin sa hindi kalayuan.Ng ilang hakbang nalang bago siya tuluyuan makababa ang siyang pagkawala ng kanyang balanse naipikit niya nalang ang kanyang mga mata at hinintay ang pagkabagsak niya ,naramdaman niya nalang ang pagkahulog niya sa isang bagay na sa tingin niya ay mga dahon na naipon, napapapikit siya ng mariin sa biglang pagkirot sa bandang siko niya
"Oh gosh ! Are you ok ? "
Sunod niyang narinig ang papalapit na yabag patungo sakanya nanigas siya ng maramdam ang isang mainit at malambot na bagay na humahaplos sa pisngi niya unti unti niyang minulat ang kanyang mata agad bumungad sakanya ang nakatunghay na babae nakahawak ito sa magkabilang pisngi niya sa tingin niya ay mas matanda ito sakanya at tama nga ang hinala niya na napakaganda nito nababagay dito ang medyo makapal na kilay ,bilugan na mga mata na kulay kayumanggi na napakaamong tingnan idagdag mo pa ang mahahabang pilikmata na akala mo'y nang aakit ,medyo mamula mula rin ang pisngi nito ang ilong nito ay matangos isama pa ang makurbang at mapupulang labi nito napalunok nalamang siya sa kagandahang taglay nito
"You're bleeding" napaigtad siya ng hawakan nito ang braso niya iniwas niya ang mga mata niya sa mukha nito at nilipat sa braso niyang medyo may kalakihang hiwa at patuloy na nagdurugo
"Ok lang ako" sabay upo niya kaya nabitawan nito ang braso niya
Hindi niya inalintana ang kirot ng sugat niya. Napabaling ang atensyon niya ng makarinig siya ng pagkapunit ng isang bagay nakita niya kung paano nito pinupunit ang laylayan ng suot nitong bestida para kumuha ng kapirasong tela alam niyang mamahalin ang suot nito dahil sa kakaiba nitong tela pero di nito inalintana ang pagkasira nito. Napansin niya ang medyo manipis nitong mga balbon sa braso na naayon sa balat nito. Agad nitong kinuha ang braso niya at pinulupot nito ang tela paikot sa siko niyang may sugat
"Kailangan natin pahintuin ang pagdurugo" seryosong sabi nito sakanya habang patuloy na tinatali ang tela sakanya
"Maureen!" Napaigtad sila pareho ng may marinig na boses sa di kalayuan. Dali dali nitong tinapos ang pagkakatali sa siko niya
"O siya tawag na ako, basta gamutin mo yan pag uwi mo ah" dahan dahan itong tumayo at pinagpag ang damit nito na nadumihan na sa pagkakaluhod .Napadako ang tingin niya sa laylayan na suot nito na kapansin pansin ang sirang ginawa kaya lalong naging maiksi ang suot nitong damit, lantad na ang kalahating hita.
Bago ito tumalikod nagawa nitong ngumiti ng siyang nagpabilis ng tibok ng puso niya parang tumigil lahat ng nasa paligid niya mabilis itong tumakbo hanggang sa mawala sa paningin niya.
Unang beses siya makaramdaman ng ganito di niya mawari kung ano ang ibig sabihin nito ang tanging gusto niya lang ang muling makita ang dalaga at mapasakanya ito
BINABASA MO ANG
Age Between Summer
General Fiction"Sa tingin mo lalayo ako sayo kapag nalaman ko magkaiba ang edad natin well sad to say baby once I fall inlove just only you no matter what age you have"
