HINDI AKO

7 0 0
                                    

Hindi ako yung tipikal.
Ako yung matatawag mong espesyal.
Hindi ako ang tipo ng umaalis na lamang.
Ako yung taong mananatili kahit marami akong dahilan para ikaw ay iwan.
Hindi ako ang tipo ng taong ipapamukha sayong mali ka.
Ako yung tipo ng taong ipapakita sayo kung saan ka nagkamali at sasamahan kang ayusin upang maitama.
Hindi ako yung tipo ng taong nandyan lang dahil masaya.
Ako yung tipo na kahit ipagtabuyan mo dahil ayaw mo ng tao sa mundo mo, nandun pa rin ako sa likuran mo.
Naghihintay na kailanganin mo.
Mag-aabang at hindi mawawala.
Hindi ako yung tipo ng taong pwedeng maapektuhan sa sasabihin nila tungkol sayo.
Mas matimbang ang alam ko at sasabihin mo.
Sabihin man nilang walang magandang maidudulot kung samahan ka.
Magiging ako ang isa sa mga taong maniniwala at paniniwalaang maraming dahilan sa buhay mo ang kamahal-mahal at may importansya.
Walang kailangang piliin.
Walang kailangang alisin.
Ang kailangan lang ay maniwala.
Kailangan tignan natin ang maganda at isangtabi ang pagiging mapanghusga ng isip at mata.
Hayaan natin ang puso ng isa't-isa ang kumilos.
Hayaan nating ito ang tumupok sa ating apoy ng nakaraan.
Hayaan natin ito ang maging dahilan upang muling dumaloy at muling magpatuloy.
Hayaan natin maging bagong tao tayo na may mas matalinong puso.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: May 16, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

HINDI / AKODonde viven las historias. Descúbrelo ahora