Successfully Abduction of MY heart

20 7 0
                                    

Successfully abduction of my Heart

written by: pleasing_grace

Ninakaw nya ang puso ko? Pwede rin. Kinidnap ako? Absolutely without a doubt, YES! Pero seryoso, minahal ko talaga SIYA... Kahit MUNTIK na 'kong mamatay ng dahil sa 'kanya. Pa'no?

HERE'S OUR STORY.

-Christina Maree'

---------...---...--

Narinig nyo na ba 'yung kwento ng mga mommy at daddy nyo about sa love story nila? Ako kasi, Oo eh.

Eto nga oh, sinusulat ko na.

Ako si Harmony Lee Harrison

Tama, love story 'to ng Mom at Dad ko.

Si Henry at Christina Maree' Harrison.

Nagsimula lang naman raw ang love story nila nang kidnapin ni Dad si Mom.

Bakit?

Let me tell you, hindi kidnaper ang dad ko at hindi niya pa rin kilala si Mom nung mga panahong yun kaya malabong kidnapin ni Dad si Mom dahil sa may gusto siya dito.

The real reason is...

"Luv, bakit mo nga ba 'ko kinidnap nung hapong 'yon?" Si Mommy 'yan habang nakasandal sa balikat ni Dad.

"I will never lie to you, Luv. Nung mga panahong 'yun kasi naghahanap talaga ako ng babaeng ipapalit sa kapatid ko para bihagin ng masasamang taong 'yun. I never find someone until nakita kitang nagsosolong naglalakad kaya----"

"Kaya mo 'ko kinidnap?" 

"Exactly!"

---------------

Flashback:

25 years ago sa isang gubat sa Laguna kampo iyon nang mga rebelde at mga bandidong grupo.

"Aray ko! San mo ba 'ko dadalhin, ha? Kanina pa tayo lakad ng lakad. Manhid ka ba? Pwes, yung paa 'ko namamanhid na sa sobrang ngalay"

Maya-maya, biglang tumahimik.

"Ano ba! Hoy, binge ka ba? Sabi ko magpahi--ay!"

*BANG!*

"Wag ka ngang maingay! Nag-iisip ako, ok? Hindi ko naman binalak na magdala ng babaeng parang manok na walang ginawa kundi pumutak ng pumutak sa kampo ng mga...."

"Huli kayo!" Sabi ng pinuno ng isang grupo ng mga rebelde.

Kaya ayun, they end up sa isang malaking kubo kung saan sila ikinulong...

Pero hindi lang pala sila ang ikinulong dun, kundi pati si...

"Hilary?!" sigaw ni Daddy sa isang halos patay nang dalaga.

"Ku-Kuya?"

"Hilary, ikaw nga. Pa'no nila nagawa 'to sayo? Bakit? Bakit?!"

"Hindi ko alam, Kuya. Umalis na kayo. Papatayin nila kayo."

"Hindi! Hindi kami aalis, isasama ka namin."

"Kuya, hindi na 'ko tatagal. Umalis na kayo. Kuya, please promise me something."

"Ano 'yun?"

"Na magiging ligtas kayo at 'wag mong hahayaang marape siya gaya ng ginawa nila sa 'ken."

"Pangako." maiyak-iyak na tugon ni Dad.

"Kuya, u-umalis na kayo. Parating na sila."

FLEET FINDING MR./MS. RIGHTWhere stories live. Discover now