A SERIES OF DOMINO EFFECT

16 7 0
                                    

ONE SHOT STORY: A SERIES OF DOMINO EFFECT (January 28, 2015)

 Prologue:


Life is a series of domino effect.


Ang nangyayari ngayon ay kakambal ng mga mangyayari mamaya.


 'Yung daan ma dinadaanan mo ngayon, mamaya pagbalik mo, may iba nang nangyari doon, 'yung mga nakasalubong mo baka bukas, makalawa wala na.


 Lahat ng ginagawa mo ngayon, may balik 'yan bukas at 'yan ang ikukwento ko sa inyo.


Ako nga pala si Rich.


 Isang totoong tao, nabubuhay sa ngayon pero hindi alam ang mangyayari sa hinaharap.
 True to life story po ito.


 Nangyari nung January 28, 2015, Wednesday.


 Lahat po nang tauhan rito ay pawang mga totoong tao ngunit dahil sa ilang personal na kadahilanan ay binago ko ang kanilang pangalan.


 Bahala na kayo kung kikilalanin nyo kung sino-sino sila o paniniwalaan ninyo ang mga pangyayaring babanggitin ko, pero ako, magsisimula na 'ko.

 -----------------

SHORT REWIND:

Noong hapon ng January 27, 2015, mga bandang 2:30 P.M., napag-usapan namin nang isa kong kaibigang nagngangalang Orland, ang tungkol sa pagpunta namin sa PROVINCIAL PESO (Public Employment Service Office). Dahil ibinalita nang isa ko pang kaibigan na nagngangalang Jeremy na kailangan raw naming kumuha ng bagong form ng PESO para sa Provincial SPES (Special Program for the Employment of the Students), kayj para makumpirma ang balitang iyon, nagpunta kami kay Amy sa kabilang room.

"Hoy, tara puntahan natin si Amy Perez para maconfirm natin kung may bago ngang form" sabi 'yan ni Mimi (Jeremy).

"O sige, kaso may klase pa sila ngayon..." sabi ko.

"Ok lang 'yan, iexcuse na lang natin..." sagot nya.

"Sinong mag-eexcuse?" tanong ni Orland.

"Syempre.... Ikaw!" duet naming sagot ni Mimi with matching apir pa.

So in short si Orland ang mag-eexcuse kay Amy.

Pagbukas na pagbukas nya nang pinto:

"Excuse po kay Amy Perez..."

Nagtawanan lahat ng nakarinig including me and Mimi na nagulat sa sinabi nya. My Gawd naman, hindi naman kasi Perez ang apilyedo ni Amy!

"Ay! Amy Ramos po pala..." Nagtawanan tuloy ng mas malakas ang mga kaklase ni Amy.

After ng shocking JOKING na 'yun, lumabas ang tatawa-tawang si Amy.

Doon na namin napagdesisyunan na bukas na kami pupunta sa munisipyo, mga 9:00 nang umaga.

Nang mag-aala-singko na at mag-uuwian, nakalimutan ko ang usapan naming iyon kaya....

"O, may practice tayo bukas ng mga 9:30..." sabi ko sa mga kagroup ko sa presentation naming "The Sound Of Silence", unconsciously knowing na may usapan kami nina Orland ng 9:00 am sa munisipyo at magkalayo ang school at munisipyo.

Nang makauwi na 'ko, it was then na narealize ko ang conflict sa sked ko, kaya I texted Orland nang ganito:

"Orland, pde medyo agahn ntn mga 8:20? My gagawn kc aq. Hihi "
---------- 7:36 P.M. (Jan. 27, 2015)

-----------------

Going to the PROVINCIAL OFFICE:


"Tsk... Late na naman ako!" bulong ko sa hangin habang nakasakay sa malapagong na jeep.

FLEET FINDING MR./MS. RIGHTWhere stories live. Discover now