THE HIDDEN STORY BEHIND THE BLUEMOON

33 8 0
                                    

THE HIDDEN STORY BEHIND THE BLUEMOON
by: pleasing_grace of watty
Comfiled in FLEET FINDING MR./MS. RIGHT...

Habang may panahon ka pa...
Hanapin mo na siya...

Habang humihinga ka pa...
Maging masaya ka sa piling niya...

Sa halos 8 billion na tao sa mundo, may isa dyan na para sa'yo. Yung taong magiging masaya ka kapag kasama mo siya at in return magiging masaya rin 'pag magkasama kayo....

Hindi ako naniniwala sa PREDESTINATION at DESTINY dahil kalokohan lahat ng 'yon dahil nasa kamay mo pa rin kung anong mangyayari sa buhay mo.

Kilala niyo na kung sino ako, sabi nga ni Besty...

Ako ang greatest pretender, Ako si Mary Ivorey Javier, grabe ang inggit ko noon kay Besty Heart pero nu'ng makilala ko ang taong iyon nagliwanag ang sali-saliwa 'kong utak...

-------------------

Nangyari iyon 2 years ago, Nagbabakasyon akong mag-isa sa Tagaytay sa isang resort doon actually the reason is naiinis ako sa MUNDO. Bitchy nga ako, di ba?

I don't know kung bakit, kaya wag niyo nang itanong!..

So eto na 'yun...

Nagboboating ako---AKO lang mag-isa ayoko kasi ng mga BWISET na ISTORBO!

But the karma strikes, naubusan ng gas ang BWISET na boat at naistock ako sa may laot...

"Tinapa! Wala pala akong dalang cellphone...."
Gumagabi na noon at natatakot na ako.
Wala akong nagawa kung hindi ang maghintay roon.

Nakakatakot na daluyong ang kaganapang nangyayari sa akin sa laot na nagpataob sa bangkang sinasakyan ko..

Nagising na lang ako sa isang papag at nakadaster na 'ko.

"O gising ka na pala.." Bati sa 'kin ng isang lalaking halos kaedadan ko.
"Ahh, nasan ako?"
"Hindi mo alam?" Nakangiti niyang tanong

Takte lang no, sa tingin nya kaya magtatanong ako kung alam ko.

".....nasa Isla Mabato ka., Ako nga pala si Neil."

"Ah ako nga pala si ... Me... Aray!!" pilit kasi akong tumayo.

"HIndi ka pa magaling kaya humiga ka muna!.."

Isang linggo akong BEDRIDDEN...
Mabait ang pamilya nila Neil, ewan ko pero magaan ang loob ko sa kanya.

-------------------------

Mag-gagabi na nang mapansin ko ang langit nagkukulay BLUE ang buwan sa sobrang liwanag....

Papatayo na sana ako ng may magsalita sa kalapit ko.
"Ang ganda ng buwan no.."
"Oo nga, sobrang liwanag.."
"Gusto mo ba ikuwento ko sa'yo ang sikreto kung bakit kulay BLUE ang Buwan?"
"Sige.."

KULAY BLUE DAW ANG BUWAN DAHIL SA MGA LUHANG PUMUPUNO RITO..
------------------------

Matapos ang isang buwan, umalis na ako sa Islang iyon dala ang isang singsing na gawa sa korales..Binigay niya sa 'kin bago 'ko umalis...

Doon ko siya nakilala, ang taong minahal ko kahit saglit pa lang kaming nagkakilala.

------------------------

Mga isang buwan ang nakalipas, napanaginipan ko ang isang batang lalaki at isang batang babae sa may dalampasigan.

Isinusulat ng batang lalaki ang pangalan ng batang babae sa buhangin at gayundin ang ginagawa ng batang babae.

Hindi malinaw ang mga mukha ng mga batang iyon pero parang hawig ang napanaginipan ko sa kwento ni Neil.

Tumatakbo ang dalawang bata sa palibot ng apoy habang nasa ilalim ng kulay asul na buwan..

FLEET FINDING MR./MS. RIGHTWhere stories live. Discover now