Pag-ibig sa isang Kaibigan

53 0 0
                                    

Bakit ikaw pa ang naibigan ko?

Parang ang hirap panindigan ito

Hindi ko makontrol ang aking puso

Na umibig sa isang kaibigang katulad mo

Ating pagkakaibigang na buo

Hindi ko intensiyon na sirain ito

Sapagkat puso ko ay nahulog sayo

Kasi ikaw lang talaga ang nasa puso ko

Ako'y umibig sayo ng tapat

At kahit sino walang makakatapat

Kahit na ako sayo'y pang-apat

Ang pag-ibig ko sayo ay parang dagat

Mahirap talaga umibig sa isang tulad mo

Lalo na, na magkaibigan tayo

Sorry kung hindi ko maiwasang mahulog sayo

At hindi ko sadyang maging lubusang ganito

At kahit na puso ko ay masaktan

Basta ako sayo'y nakalaan

Bakit kasi ika'y talagang ganyan?

Dahil ba sa iyong nagustuhan?

Siguro'y tama, na ako'y masaktan

Gusto ko ikaw ay maiwasan

Pero paano ang pagkakaibigan?

Kung ikaw ay talagang lalayuan.

PoemsWhere stories live. Discover now