Chapter 18 "Tayo na?"

1.2K 29 0
                                    

 Dedicated sayo sis salamat sa pagbabasa ng story ito :)

 [Ran’s POV]

Hanggang ngayon nakatulala pa rin si Alek. Muli ako napangiti at dahan dahan lumapit sa kanya. Sinusundan lamang ng mga mata niya ang paglapit ko. Maya maya ay lumapit ako sa tenga niya.

“You want me to be yours?” mapang akit na tanong ko sa kanya. Nagulat ako at napangiti lalo ng tumango si Alek.

“Say Yes and I’m yours”  muli ko bulong sa kanya.

“Y-Yes” Nauutal pa sa pagsagot si Alek. Dahan dahan ako humarap kay Alek habang nakangiti.  Maya maya  pa ay nagtatalon ako sa sobra saya.

“Yessss! Yesss! Sa wakas natapos na!” nagtatalon ako sa sobra saya. Oo mukha na ako baliw and who cares? Masaya ako eh kase sa wakas...sinagot na niya ako! Nakita ko si Alek na natatawa na naguguluhan habang tinitignan ako. Maya maya pa ay hinawakan niya ang mga braso ko  dahil dun nahinto ako sa pagtatalon. Masaya ako tumingin sa kanya.

“Ran, bakit parang ang saya saya mo ata?” nakangiti tanong ni Alek sa akin.

“Haller, sino ba hindi magiging masaya ..eh Tayo na hahaha!” Umaapaw ang kaligayahan ko hanggang langit. Feeling ko nanalo ako sa lotto kahit hindi naman ako tumataya dun. Ang saya saya ng nararamdaman kongayon. Kami na? As in kami na ni Alek? Kyaaaah! Gusto magsisigaw sa saya kase sa wakas sinagot niya na ako. Kami na dalawa yahoooo! Sa wakas natapos na ang kalokohan na ito.

Muli ay pinakalma ako ni Alek.

“T-Talaga? Tayo na?” hindi makapaniwala tanong ni Alek.

“Oo, di ba kasasabi mo lang? Tsaka wala ng bawian” Paninigurado na ako ng sa ganon wala ng excuse pa na ibigay si Alek.  Inakbayan ako ni Alek na siya kinalakas ng tibok ng puso ko. Ano ginagawa niya?

“Sure, sweetheart, tayo na forever wala ng bawian” mapang akit na sabi nito sa akin. Para bigla ako kinalabutan sa tono ng pananalita niya.

“W-wala na talaga-“ pinipilit ko na alisin ang pagkaka akbay ni Alek sa akin “Bawian kase “ Ito naman si Alek ayaw e alis ang pagkaka akbay sa akin. “ang hirap kaya manligaw!” totoo iyon. Hindi pala madali manligaw kase gagawin mo talaga ang lahat para makuha lang ang matamis na Oo ang tao nililigawan. Napatingin naman ako kena Shera,Erica and Leo na nasa malayo na at kumakaway sa akin na wari sinasabi na mauna na sila. Napataas ang isa ko kilay. Talaga iniwan nila ako sa lalaki ito?

Nadinig ko tumawa si Alek ng mahina at maya maya ay inilapit niya ako lalo sa katawan niya habang nakaakbay.

“I’m sorry kung pinahirapan kita”Ang puso ko Ang puso ko utang na labas huminto ka na kaka vibrate. Para matigil na ay naitulak ko si Alek ng mahina sabay hawak sa dibdib ko.

“Kalma ka lang!Kalma ka lang! Safe na tayo..safe na”  bulong ko sa sarili.

She's Courting Me [FIN]Where stories live. Discover now