Chapter 15

1.1K 25 0
                                    

[Ran’s POV]

Ang kapal talaga ng mukha niya na ipagsigawan sa lahat na nililigawan ko siya. Nako nako kung hindi ko lang talaga mahal ang lola ko baka nasa hospital ka na talaga ngayon,Alek,Argh!

Nasa locker room ako ngayon para ilagay ang mga libro ko. Pupunta pa kase ako sa Lourdes Resto, ito ang bago ko trabaho ngayon as usual waitress ako doon. Naghanap ako ng bago trabaho ng sa ganon ay mabuhay. Natapos na rin kase ang contract ko sa dati ko trinatrabahuan and masaya na rin ako na makaalis doon kase masyado rin nakakapagod magtrabaho dun ang dami tao, palibhasa sikat na fast food chain ito.  

“Kalerkey itech, ganyan ba talaga pag broken hearted?” nang marinig ko ang boses na iyon ay agad ko na isara ang locker and nakita ko si Leo na mukhang diring diri nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa.

“Sabi ko sayo eh broken hearted nga” bulong ni Erica kay Bakla at kasama pala nila si Shera na lumapit sa akin at niyakap ako.

“Naiintindihan namin ang nararamdaman mo,Loue pero hindi tama na ganyan ang gawin mo para mawala ang pain”-Shera. Naguguluhan na talaga ako sa mga pinagsasabi nila.

“Korak ka girl! Talaga mali ang magpaka tibo para lang maibsan ang sakit and eww lang why iyan ang suot mo nakakadiree!”-Leo. Tukoy nito sa uniform ko na panlalaki. Sabi ko nga diba hindi ako nagsusuot ng panbabae uniform, suot ko iyong boys uniform kase an gang astig tignan at isa pa batas ata ito. Napasimangot na lang ako sa sinabi ni Leo hay nako kahit kalian napaka landi talaga ng bakla ito. Napatingin ako kay Erica ng makita nagpipigil ito ng tawa.

“Anong nakakatawa?” irritable ko tanong. Napahinto naman sa pagtawa si Erica at tumikhim muna bago nagsalita.

“Alam mo Loue, tama ang mga sinabi nila, hindi iyan ang solusyon para maka move on kay Alek, OMG kahit kailan hindi ko na isip na magpaka tomboy para maka move on kay Alek hahaha” –Ella. Tama ba ang nadinig ko? Iniisip nila na kaya ako nagpakatomboy para maka move on  kay Alek? At ang buo akala talaga nila na broken Hearted ako sa playboy na iyon? EEEEW! Argh! Kadiri ha!

 

“Korak ka girl” after ng mga sinabi ni Ella ay sumang ayon si Bakla Leo sabay nag apir pa ang dalawa.Mas lalo ako nainis.

“Tumigil na nga kayo! Nakakainis na kayo!” sigaw ko na siyang nagpatahimik sa tatlo ng ilang segundo at maya maya ay muli sila tumawa. Badtrip may mga saltik nga ata ang mga ito =___=

“Tsk tsk kawawa naman ang ka member natin, buti na lang meron AFClub para tulungan ang mga nabiktima ni Fafa Alek” –Leo. Sumang ayon naman si Shera and Erica.

“Kaya lets go na para tuluyan mabinyagan ang hopeless na girlalu na itech” Hinawakan ni Leo ang kamay ko at hinila.

“W-wait saan niyo ako dadalhin?” Nagpumiglas ako at agad ko kinuha ang kamay ko. He rolled his eyes bago nagsalita.

“Nako ang dami pang arte eh di sa club para e make over ka duh”-Leo.

She's Courting Me [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon