Sundan

2 0 0
                                    

Someday, you'll know

I was the one...

But tomorrow may rain, so

I'll follow the sun...

Alas kwatro ng hapon at nasa labas ako ng bahay namin at nakikinig mg musika habang kumakain ng espesyal na suman latik ni lola.

Biglang may motor na tumigil sa gate namin... si Tegan.

"Tao po" malakas na sabi niya kaya agad akong tumayo, tinigil ko muna ang musika at lumapit sa gate namin para salubungin siya.

Noong nakita niya ako ay agad umaliwalas ang mukha niya at ngumiti siya sa akin.

"Tara" aya niya.

"Huh? Saan?"

"sa pantalan tayo nood tayo sunset" kinuha niya ang isa kong kamay at hinatak patungo sa motor niya.

Dumaan muna kami sa grocery para bumili ng pagkain at humayon na patungo sa pantalan. Ang malamig na simoy ng hangin ang sumalobong sa amin.

Ang amoy ng dagat na nostalhik...

Agad ako bumaba sa motor niya at umupo sa gutter agad naman siyang tumabi sa akin at binuksan ang dalawang softdrinks at binigay sa akin ang isa.

Uminom kaming dalawa, kinuha niya ang cellphone niya at nagpatugtug ng kanta.

I give her all my love

That's all I do

And if you saw my love

You'd love her, too

I love her...

Sumabay siya sa kanta at sumilay ang mga ngiti sa labi niya.

"Bakit mo pala ako dinala dito?" panimulang tanong ko sakanya.

Tumngin siya akin "Matagal na rin tayong hindi nakapag-usap Ayen simula noong graduation ball"

Kinagat ko ang labi ko... naalala ko ang gabing sumayaw kami sa tutugin na aming kinalakihan... ang gabing sasabihin ko na sana ang totoo kong nararamdaman ngunit hindi ito natuloy dahil naunahan ulit ako ng kaba.

"Pupunta na ako ng Cebu bukas" nagulat ako sa sinabi niya... bukas!

"Mag-iingat ka doon" nalalasahan ko ang pait sa mga salitang binitiwan ko.

Dumating na ang araw na kinakatakutan ko... ang araw na aalis siya.

"Wala kabang sasabihin sa akin Ayen?"

"Ano naman ang sasabihin ko?" umiwas ako ng tingin sa kaniya.

Hindi ko kaya, hindi ko kayang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko baka makasira ito ng aming pagkakaibigan na baka magbagao ang turing niya sa akin at dumistansiya siya.

Natatakot ako, natatakot ako na kung sabihin ko sa kaniya ng harapan ay tatanggihan niya ako, hindi niya masusuklian ang nararamdaman ko.

Kaya okay na ako hanggang dito lang kami.

Kinuha niya ang cellphone niya at nagpatugtug ng isa sa paborito naming kanta.

Bright are the stars that shine

Dark is the sky

I know this love of mine

Will never die

And I love her...

"Mamimiss ko talaga ito" sabi niya habang gumagala ang mata niya sa kabuoan ng pantalan, kitang kita kung paano sumasayaw ang mga dahon ng niyog ang marahang pag iba ng kulay ng kalangitan.

Follow The SunWhere stories live. Discover now