No Sam. You just enjoyed that kiss. Simply because it's Terry.

"Isa pa?" Pabirong sabi nito. Halatang nang-aasar.

Namumulang binuhat ko naman sya at saka binagsak sa sofa ng paupo. Making sure that she wasn't hurt though. Gusto ko lang makaganti.

"There, maupo ka lang dyan. Maghihilamos lang ako."

Nagulat ako nang biglang tumili si Terry. Natigilan tuloy ako sa pagpunta sa kitchen.

"Hala! Nabuhat mo ko, Samantha!"

Kumunot naman ang noo ko. Sa liit nyang yan? Imposibleng di ko naman sya mabuhat nyan no?

"Patangkad ka ng konti. Paanong di kita mabubuhat? Sa liit mong yan?"

Tuwang tuwang tumalon si Terry sa sofa.

"Fudge, Terry! It's not a bed. Wag kang tumalon dyan. Masisira yung sofa ko."

Imbes na tumigil ay nang aasar pa ito. Pag sya talaga nahulog, tatawanan ko talaga sya.

"Lapit ka dito, dali! Buhatin mo ko hanggang sa kusina."

I raised my fist on her sight.

"Oo na. Nakikita ko na yang maskels mo na nagtatago. Dali, halika na dito."

How can I forget how low her IQ is? Syempre hindi nito magegets. Pinagbabantaan ko sya na sasapakin ko sya. How dare her to think that I'm flexing my muscles?

Goodness, Terry. Ikaw lang. Namumukod-tangi ka talaga.

"Dali na, Sam!" kulit pa nito.

Naiiling na nilapitan ko na lang sya. I motioned my back. If she really insists, I'll give her a piggyback.

"Ayoko nyan. Gusto ko yung buhat mo sakin kanina." Reklamo nito.

"Ayaw mo?" I raised my brow. "Fine. I'm not that willing though. Walk your way. May paa ka naman."

"Samantha naman e!"

Again, I motioned my back. Nakasimangot na pumasan na lang din ito.

Aba, sya na nga nagpapabuhat. Sya pa galit? Sapakin ko kaya sya?

Imbes na sa upuan ito magpababa ay sa countertop nito gusto daw maupo.

"Hindi pwede. Hindi inuupuan yan. Baka masira."

"Granite yan, Sam. Masisira?"

I gave her a wry smile. "Fine!"

Tila naman nanalo ito sa lotto kung makangiti. Feeling ko may scoring board na ito tapos nagbibilang ng panalo nya sa argumento.

Too bad. I'm going to get myself to lose.

Tinungo ko yung sink at naghilamos. Matapos kong punasan yung mukha ko ng panibagong face towel ay kumuha ako ng hindi malamig na tubig at uminom.

"What do you want to eat, Terry? Magluluto na muna ako bago ako maligo."

I opened the fridge to check what we have. Pag wala kasi ako dito sa unit ay may caretaker akong pinapapunta para maglagay ng stocks at maglinis dito. Damay na din yung unit ni Railey sa kabila.

"Gusto ko ng sinangag. Saka sunny side up eggs. Pati tuyo at pritong dilis."

Napaangat yung tingin ko dito. I don't have that in my unit.

"I don't have it, Terry. May iba ka pa bang gusto?"

Tumango ito habang nagkukusot ng mata. Kung naghihilamos kaya sya?

Trapped with the Cactus-LoverWhere stories live. Discover now