"Napaka-gwapo talaga ni Senyorito Zacarias, ano? Kung marunong lang ngumiti, tiyak na may mas iga-gwapo pa." Puri ng ina sa binatang paparating.

Napasimsim sa kape si Tatianna. Hindi siya mapakali lalo na nang marinig niya ang pagbati ng ama sa Senyorito, senyales na malapit na ito sa gawi nila.

"Magandang umaga, Senyorito." Sabay na bati ng ina at ni Aling Salome.

Si Julio naman ay tumayo at bumati rin sa magalang na paraan. Siya na naman itong hindi makapagsalita at hindi na naman babati.

"Magandang umaga," Zacarias’ low baritone made her stomach fluttered.

When she looked up at him, she caught him intently eyeing her, as if waiting for her to greet him like what employees are supposed to do.

"Morning po, Senyorito." mahinang bati niya.

"Gusto mo ng kape, Senyorito?" Mabait na tanong ni Aling Salome.

When Zacarias noticed that she's the only one who's not yet finished with her coffee, he nodded to Aling Salome.

Mabilis na tumalima ang ginang para gumawa ng kape sa may kubo na nakatayo sa bandang kaliwa. May lutuan din doon at doon nila iniluluto ang pagkain araw-araw. Hindi na sila nagbabaon pa at hindi na rin umuuwi sa kani-kanilang bahay para mananghalian.

Zacarias skillfully got down with his brown horse. Kaagad namang lumapit ang ama para kunin ang kabayo at itali sa puno ng niyog hindi kalayuan.

Sinulyapan naman siya ni Julio bago sumunod sa kanyang ama para ipagpatuloy ang pagtingin sa mga buko.

Nag-angat ng tingin si Tatianna nang mapansin ang paghakbang ni Zacarias palapit sa lamesa. He's wearing a navy-blue shirt and dark pants, he paired it with boots. Naupo ito sa katapat na upuan na para bang hari at hindi kailangan ng permiso niya.

Zacarias rested his elbows above the wooden table, revealing the tiny hair on his arms and those protruding dangerous veins. Pinagsiklop nito ang mga kamay, animo naghihintay na magsalita siya.

Wala naman siyang sasabihin, Hindi ba at ito na ang nagsabi na wag lumapit dito? Bakit nandito ito sa harap niya? Kailangan ba siya ang umiwas? Ang lumayo?

"Gusto mo umalis ako?" Tanong niya, hindi mawala sa isip ang huling sinabi sa kanya ni Zacarias kagabi.

"No."

"Sabi mo, wag akong lalapit sa ‘yo."

"Sinabi ko nga 'yan." Nahihimigan niya ang kaunting ngiti sa boses ng lalaki.

"Hindi ako ang lumapit sa ‘yo, ikaw ang lumapit sa ‘kin dito, ha."

"Is there a problem with that?" Zacarias arched his thick brows.

Ngayon na maliwanag at malapitan, malayang napagmamasdan ni Tatianna ang bawat sulok ng mukha ng binata. His eyes are not really black, it's more on dark brown and it gets darker when he gives her a dark and intense stare.

Ang alam niya ay may lahing Espanyol si Don Patricio, kaya naman hindi na nakapagtataka na tunay na magandang lalaki ang kaharap. Gusto niya rin ang kulay ng balat nito. Tanned and well-toned. It looks really manly.

He has growing whiskers on his jaw, his divided chin is perfectly match with his lips that mostly on a thin line. Hindi 'yon basta-basta mababanat para lang sa isang ngiti, gano'n ang nasa isip niya.

"Ito na po ang kape, Senyorito." Magalang na inilapag ni Aling Salome ang baso sa lamesa.

Lumapad ang ngiti ng Ginang nang tignan siya. Gusto niyang mapanguso, bakit parang tinutukso siya nito?

HG 1: Seduction of FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon