Wattpad Original
There are 14 more free parts

PROLOGUE

183K 4.7K 11K
                                    

PROLOGUE


NAUPO si Tatianna sa ilalim ng puno ng niyog pagkatapos tulungan si Julio sa paglilipat ng mga niyog sa jeep na dadalhin sa Maynila. Sa harap niya at maging sa buong paligid ay nagtatayugang mga puno ng niyog ang siyang nakikita.

Lahat ng natatanaw, inaapakan at kahit ang ma-preskong hangin na dumadampi sa kanyang balat ay pag-aari ng mga Guerrera. The coconut plantation is about 800 hectares and the Guerrera's own it. Their family is not just wealthy, they are powerful, too.

Noon pa man ay may bali-balita nang malupit daw si Don Patricio, ngunit ayon sa kanyang ama ay mabuting tao ang Don dahil naging trabahador ang ama niya sa Hacienda noon.

Now that she's eighteen, she got more curious about the Hacienda Guerrera. Lalo at usap-usapan ng mga taga kanila at maging ng mga kaklase na maganda at malawak ang mansyon ng mga Guerrera.

Hindi pa siya nakapunta roon, pero ang sabi ng ina ay nakapunta na siya kaya lang ay masyado pa siyang bata para maalala iyon.

"Tatianna, salo!"

Nagulat siya sa biglang paghagis sa kanya ni Julio ng balat ng buko pero kaagad niya 'yong nasalo.

Si Julio ay kinakapatid niya, magka-edad lang sila at pareho ng unibersidad na pinapasukan pero magkaiba ng kurso. Trabahador din sa planta ang magulang nito, katulad ng magulang niya.

Ngayon na bakasyon, tumutulong sila sa trabaho sa planta para kahit papano ay may kitain at magagamit iyon sa susunod na pasukan.

"May pagdiriwang daw sa Hacienda sa Linggo, birthday ni Don Patricio. Invited kaya ang mga trabahador nila?"

Naupo si Julio sa tabi niya. Sa lilim ng nagtatayugang puno sa paligid ay nakaramdam siya ng ka-preskuhan. Payapa doon. Disiplinado ang mga tao. Walang gulo, ni minsan.

"Sa dami ng trabahador sa planta, tingin mo iimbitahan pa nila? Baka hindi lahat."

"Sa yaman nila, hindi ba nila kayang magpakain ng maraming tao?"

"Sabagay." Napaisip siya doon. "Kapag inimbitahan tayo, pupunta ka ba?"

"Bakit hindi? Napakaswerte natin kung makakatapak tayo sa mansyon ng mga Guerrera."

People in their town admire and respect the Guerreras. Kahit man siya ay hanga sa pamilyang iyon dahil sa galing ng pakikikutungo sa mga trabahador ng mga ito. Ang hindi lang siguro mabait ay ang panganay na anak.

Kumunot ang noo ni Tatianna nang maisip ang lalaki. Si Zacarias ang pinakamatanda sa limang magkakapatid. Bilang lang sa daliri ang pagkakataon na nakita niya ang lalaki, pero una pa lang ay ayaw niya na doon dahil natatakot siya at siguradong hindi lang siya ang nasisindak sa panganay ni Don Patricio.

"Huh," umismid siya. "Kapag inimbitahan tayo, kakain ako ng marami! Masasarap daw ang pagkain sa mansyon!"

"Gusto mo mag-take out pa tayo." Tumawa ito sa sariling suhestiyon.

Nakitawa rin siya at umiling, kakain siya ng marami pero hindi na magti-take out, nakakahiya naman, inimbitahan na nga tapos mag-uuwi pa ng pagkain. Pero uso iyon sa lugar nila. Kahit uso, hindi niya gagawin.

"Julio! Tatianna! Halina at uuwi na tayo!" Tawag sa kanila ng ina.

Sabay silang tumayo ni Julio at naglakad sa paradahan ng mga motor at ibang four-wheel na gamit na service at pangkarga sa mga niyog. Malayo ang planta sa mga kabahayan at kung maglalakad, aabutin sila ng siyam-siyam.

"Kay Julio ka na sumakay, anak." Bilin ng ina sa kanya ng ina bago ito sumampa sa motor ng ama.

Lumapit siya kay Julio na nakasakay na sa madumi at lumang motor nito. Hinintay siya ni Julio na makasampa bago nito pinaandar iyon.

HG 1: Seduction of FireWhere stories live. Discover now