chapter 26

52 4 0
                                    

Pagtitiwala

Jerry POV

Nasa park ako at naka upo sa batong upuan sa tabi puno,pinag mamasdan Ang mga larawang nakuha ko, mga picture yon ng mga taong Members ng tarantula Gang na may Spider sa kaliwang kamay, pero sadyang napakarami nila, Isa lang naman ang alam ko kay women's killer, yun ay ang kaliwete siya at may tattoo ng spider sa kaliwang kamay niya, Bukod dun wala na akong alam tungkol pa sa kanya

Kung kaya't mahirap malaman kung sino sa kanila ang Women's killer na hinahanap ko.

Nakaasar!Isa lang Ang naiisip Kong paraan para malaman kung sino siya pero hindi ko alam kung paano gagawin! Inis na sabi Ko at sinuntok ko ng malakas ang batong kinauupuan ko

Jerry tawag Sa akin ng Kung sino at nang lingunin ko ay Nakita si Khing, Naka ngiti siya sa akin habang Dala ang isang launch Box

"TSS siya nandito"

Paano mo nalamang nandito ako?

Sinabi ni Ambo na nandito ka daw, Naisip ko baka hindi kapa kumakain kaya Pinagluto kita ng scrambled eggs naka ngiting sabi niya, lumapit siya sa akin at inabot niya sa akin ang launch Box na hawak niya.

Sa totoo Hindi ko naiintindihan Kung bakit napaka bait niya sa akin, pero mas naiinsulto sa  pinapakita niya sa akin Dahil pakiramdam koy Kinakaawaan niya ako.

"Nakakairita talaga ang babaeng ito!" Naiinis na sabi ko sa sarili ko

Umalis ka na!Hindi ko kailangan awa mo! Galit na sabi ko sa kanya at tinapik ko ng malakas launch box na hawak niya kaya naman nahulog ito sa sahig at natapon ang laman nito  pagkatabig ko.

Pero-

Sinabi ko ng Umalis ka na! sigaw ko sa kanya

Hindi naman kita Kinakaawaan eh, Gusto lang kitang mapasaya at gusto kong makita na ngumiti ka kahit minsan lang

Ano!?

Kaya lagi akong naka ngiti sayo yun ay Dahil sabi ng Daddy ko Paglagi akong masaya at ngumiti ay mahahawa ko din ang iba,mapapasaya at mapapangiti ko din ang iba sagot niya na ikinagulat ko pero para sa akin...

Isa lang iyong malaking kalokohan!

Alam siguro siguro sa inyong magkakapatid ikaw ang pinaka uto uto! Kasi hindi mo manlang napapansin na lahat ng itinuturo sayo Ng Daddy mo ay puro kalokohan lang!

Huh, pero hindi naman yun kalokohan-malungkot na sabi niya

ISA LANG IYONG KALOKOHAN!

Pero-

Hindi porke masaya ka ay mahahawa mo na ng kasiyahan ang iba, Hindi porke naka ngiti ka mapapangiti mo din ang iba!Dahil ang Nararamdaman ng tao ay hindi mababago kahit na iutos mo pa! Sabi ko at tumayo na upang umalis pero bago yun ay muli siyang nagsalita

Alam mo, mula pa nung unang beses kitang nakita, hindi ko nakitang ngumiti ka. Hindi ko alam kung bakit puno ka ng Galit imbis na saya pero kahit ganun Gusto kitang maging Kaibigan kasi naniniwala akong Mabuti kang tao, na sa puso mo Isang Jerry na mabait at mapagmahal at gusto kong Dumating naman ang araw na makita kitang ngumiti at sumaya sabi niya na ikinagulat ko dahil

'Isa lang ang hiling Jerry' sabi ni Crizel noon nung itanong ko sa kanya kung ano hiling niya noon sa bulalakaw

'Ano yun?'

'Na Sana, Dumating ang araw na makita uli kitang ngumiti at sumaya'

Nakangiting sabi niya noon sa sa akin

Police story 3: Love in TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon