HS47

2.2K 59 6
                                    

Okay na sana ang lahat. Masaya na kami, hanggang sa tatlong araw hindi niya na naman ako kinausap. Hindi siya nagchat, wala akong idea kung ano ang nangyari at tumatakbo sa isip niya.

Napapansin ko na rin ang pag-iwas ng mga classmate ko sa akin. Minsan narinig ko silang nag-uusap tungkol sa akin at alam kong pinaparinig nila 'yong mga salitang binibitawan nila para sa akin.

"Tirador ng teacher."

"Dahil sa kaniya, may aalis."

"Kaya pala laging perfect kasi alam na ang sagot."

"Ang tataas pa ng mga nakuha niyang score."

Gusto kong mag-open sa kaniya ng nangyayari, pero hindi ko alam kung paano, dahil hindi niya ako pinapansin. Hindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko.

Wala akong magawa kung hindi sarilihin ang problema ko. Pero hindi ko alam na mas mabigat pa pala ang problema ang dinadala niya, noong marinig ko sa mga kaklase ko na matatanggal siya sa school na ito.

-Nemo

Hi, SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon