HS35

2.3K 70 5
                                    

04:06 PM

Nemo: 

Mukhang araw-araw na pumupunta 'yong babae sa school para lang dalhan ka ng pagkain.

Nanay mo ba 'yon Sir?

Nakakainis nanay mo Sir ah, masyadong maganda at masyadong dikit ng dikit sa iyo.

Nahuli pa nga kita kanina na nakangiti, mukhang gustong-gusto mo pa.

Pinag-uusapan ka ng mga classmate ko kanina, sabi nila jowa mo raw 'yon. Gusto ko silang sambunutan at ituktok sa kanila 'yong convo natin kaso ako lang ang magmumukhang tanga.

So, wala ka talagang balak na mag-chat sa akin? Alam mo bang binusted ko na si Nick? Kasi pootah, baho talaga ng hininga niya. Hinintay niya pa nga ako sa gate kanina kasi ihahatid niya raw ako sa bahay, kaya nagsinungaling ako na may pinapagawa pa sa akin 'yong prof para lang hindi niya na ako kulitin pa.

Guess what Sir? Nakatingin ako rito sa malayo habang nakikita kitang masaya habang kausap mo siya sa canteen. Anong pakiramdam?

Dapat pala sumama na lang ako kay Nick kanina at tiniis 'yong hininga niya. Mas okay pa siguro 'yon kaysa ang makita kang masaya habang kasama siya.

Hi, SirDove le storie prendono vita. Scoprilo ora