"B-beh basta wait lang. Explain ko mamaya"
Muli akong lumingon sa harapan ko at ito na! Madadaanan na namin ang mga kulugo at nung matantsa kong sobrang malapit na ko sa kanila ay tumakbo na ko bigla.
Naririnig ko pa ang sigaw ng mga bruha pero di ko na sila nilingon pa dahil natatakot akong mapatingin sa kanya oras na tumingin ako sa likod ko.
Hingal na hingal ako ng Makarating sa room. Agad akong naglakad sa upuan ko at hinihingal habang pinupunasan ng panyo ang pawis sa noo at leeg ko.
"Jusko! Jenia! Pinahirapan mo pa kami! Sino ba yung tinataguan mo na yun? Jowa mo ba yun?"
Napahinto ako sa pagpupunas sa leeg ko at nilingon ko si angel.
"Sorry na nga mga beh. Natakot lang ako baka kasi harangin tayo ng mga lalaki na yun, at wala kong boyfriend sa kanila ok? sorry talaga"
Napayuko nalang ako at napanguso. Nakonsensya ako sa pagiitsura nila ngayon para silang mga basang sisiw dahil sa pawis.
Nilabas Ko sa bag ang roll tissue ko at pati water tumbler ko at inabot sa kanila.
"Sorry guys.." Saad ko habang ako na nagpupunas ng mga pawis nila.
"Loka ok lang." Sabi ni jory.
Napatigil ako sa ginagawa ko dahil natanaw ko ang next teacher namin na paparating na.
"Mga beh andyan na si maam."
Agad nagsiayos kami ng upo hanggang sa makapasok na siya sa room.
ayoko talaga mapalapit sa lalaki na yun pakiramdam ko gulo lang dala niya sakin.
Natapos na ang klase namin para sa araw na ito at magkakasama kami ngayong apat na naglalakad papalabas ng university kasabay ang ilang mga estudyante.
nagkaayayaan din na mag gala gala kami sa pangunguna ni angel.
sabi ko sainyo eh angel name nyan pero siya pa demonyo samin.haha.
"guys merong exclusive village dito malapit sa university and guest what? pansamantalang walang guard doon para magbantay sa village na yun.so why dont we take that opportunity? to enter the village!"
paliwanag ni angel habang naglalakad na kami sa gilid ng kalsada, nakalabas na din kami sa university.
nakatingin lamang ako sa kanya habang inaayos ang pagkabuhol buhol ng earphone ko.
"kahit kelan ka talaga angel, ikaw talaga demonyo sa ting magkakaibigan"
sabi ni leslie kaya nagsitawanan kami habang natatawa din si angel sa kalokohan niya.
nang makarating na kami sa sinasabing village ay hindi namin mapigilan na mamangha sa mga naglalakihan at magagandang bahay na nandito.
nalibot din namin ang clubhouse,play ground nila nakita din namin ang isang infinity pool na mutik pang talunan ni angel buti na lamang ay napigilan namin nila jory at les.
mag a-alas kwarto na ng hapon at ngayon ay nakaupo kami sa isang open court dito sa village, hindi na rin ganun ka init dahil mahangin at maganda ang simoy ng hangin.
"2v2!"
"kahit magkampi pa kayong tatlo."
"gago vie yabang mo!"
napatigil kami sa pagkkwentuhan at napalingon sa apat na lalaking paparating sa court.
dahil sa masinag na araw na tumatama sa kanila kaya mabilis ko ding inalis ang tingin ko sa kanila at sinalpak ang isang earphone sa kabila kong tenga.
"so yun na nga jen..bakit di mo man lang sinabi samin na nagp-part time ka na pala? ang daya nito no!"
napatawa nalang ako ng mahina kay angel na halatang naaasar dahil hindi ko nasabi sa kanila na nagp-part time na ko sa isang coffee shop.
"oo nga jenia siguro ayaw mo lang kami ilibre pag sumahod ka---teka ayun ba yung lalaking iniiwasan mo jen?"
hindi na natapos ang sasabihin ni jory, dahil dun napalingon ako sa tinuturo niya.
napanganga na lamang ako habang nakatingin sa tatlong lalaking naglalaro ng basketball.
sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maka 3 points shoot siya at paatras na tumatakbo.
chapt.3 Stick
Start from the beginning
