chapt.3 Stick

4 0 0
                                        


Flaternity
Nandito na ko sa room-me

Mukhang paalis palang sila sa mga bahay Nila ng mag backread ako sa mga messages nila.
Napayuko nalang ako sa desk.
Gustuhin ko man tanungin ang nasa harapan ko na kaklase kong babae pero mukhang wag nalang, mukhang anak mayaman ang isang to at ayokong mapahiya lang ako. di natin alam baka supladahan lang ako bigla at maihagis ko lang siya sa bintanang katabi ko.safety first.
Nanatili na lamang akong nakayuko hanggang sa makaiglip ako.

"Jen..uy! Gising!"
Napabalikwas ako at napahawak sa hoodie ko na suot ko.

"Gaga ka.absent ka na nga kahapon, tulog ka pa sa klase buti wala pa si maam"
Nanlaki ang mata ko at napatingin sa orasan..
Sht! Halos mag Iisang oras na pala kong nakatulog!

Napapikit nalang ako at inayos ang sarili bago humarap kay jory na katabi ko.
"Beh anong ginawa niyo kahapon?"

Lumingon siya sakin saglit pero binalik din agad ang tingin sa phone niya. Gosh! Porket may kachat si gaga.

"Hmm wala beh.kasi kahapon busy kami lahat sa field para sa pagregister."
Napakunot ang noo ko.
Register? Ano yun load?
Akala ko ba nag quiz sila? Hmm..kung ganon mukhang pinagloloko ako ng mga to ah!
Tumayo ako at namewang sa kanila at isa isa silang tiningnan Habang nakapaningkit ang mga mata ko.

"Aminin niyo nga pinagloloko niyo ko no?! Di talaga kayo nag quiz kahapon?!"
Napahinto sila sa pag c-cellphone at nagpeace sign

Tumayo si les at angel habang inaayos ayos pa ang buhok ko.
"Hehe beh.. Ano ka ba ayaw mo nun? Joki joki lang na may quiz? Hehe"
Tiningnan ko si les at kunyaring hinampas siya at si angel. Mga bruha talaga.
Umupo ulit ako at kinuha ang phone ko pero deep inside nagtatalon sa tuwa.

"Buti nalang walang quiz..kaya wala pa kong kulang. How about sa notes?" Muli akong lumingon sa Kanila, pero sabay sabay silang umiling bilang sagot.
Akmang sasagot pa sana ko ng dumating na ang teacher namin for first subject.

"Ok class settle down. Who are the absents yesterday?" dire diretsyong saad niya habang naglalakad papasok at hanggang makarating sa table niya sa harapan.
Nilapag na niya ang mga gamit niya sa table at tiningnan kami isa isa.
Nahihiyang tinaas ko ang kamay ko kaya napadako ang tingin niya sakin.

Jusko po ako lang pala ang nakataas ang kamay dito!

"What's your reason miss for being absent yesterday?"
Napalunok ako dahil sa sobrang kastriktuhan ng teacher namin.
"Y-yung--" nakayuko lamang ako habang nauutal magsalita ngunit hindi ko na iyon natapos dahil biglang may kumatok sa pintuan.

"Mrs Garcia, my mom want to meet you at the coffee shop later midnight."
Di ko na nagawang tingnan kung sino yun dahil bigla na kong nakaramdam ng kaba dahil sa boses niya.

"Ok Lian.thank you and.. Take care next time."
This time ay napaangat na ko ng tingin at nagtama ang paningin namin.
Ito na naman yung kaba at kiliti sa tiyan ko.
Ano bang nangyayari sakin?
Siya na ang unang umiwas ng tingin At nakayukong naglalakad.
What was that for?

"Ok m-miss...licerio?"
Napatingin ako kay maam paano niya nalaman ang pangalan ko?

"Yes maam. Jenia licerio po."
Biglang nagbago ang ekspresyon niya ng mabanggit ko ang pangalan ko. kung kanina nakakunot ang noo niya ngayon ay parang gulat siya na ewan.
Bakit ba ang gugulo ng mga tao ngayon? Aisshh!

"You may sit down."
Napapaiwas na tingin na sabi niya.
Napanguso nalang ako at umupo na nga.

Naglalakad kami ngayon sa corridor papunta sa library
Pero habang naglalakad ay lumilipad pa din ang utak ko sa teacher namin kanina.
Ewan ko ba kung ako lang nakaka Pansin,pero..mukha talaga siyang balisa kanina simula nung dumating yung kulugo at mas naging balisa nang malaman ang pangalan ko.

Why can't it be?Where stories live. Discover now