Well ano bang pakeelam ko sa kanila.baka family problem nila yun bakit ko pinoproblema. Hayyy self baliw ka na.
Sinalubong kami ng malamig na hangin dulot ng aircon pagpasok namin dito sa library.
Nilibot muna namin ang aming mga mata at halos mapanganga nalang kami dahil sa dami ng libro at mga shelves dito.
Umupo kami sa bakanteng table na pangapatan malapit sa glass wall.
"Beh..hanap na tayo libro!" Agad kong nahampas sa braso si angel dahil sa lakas ng boses niya.
"Beh nasa library tayo.hinaan mo nga yang boses mo.."
Mahinang bulong ko Napatakip naman siya sa bibig dahil nawala siguro sa isip niya na bawal maingay pag nasa library.
"Oo nga pala sorry."
Natawa nalang kami ng mahina at napagdesisyunan na namin na kumuha ng mga libro na gusto namin mabasa, mahirap na baka akalain ng librarian ay tatambay lang kami dito sa library edi napahiya pa kami.
Kaming tatlo nila angel,jory at ako ang kukuha ng Libro dahil ayaw daw ni leslie at siya nalang daw ang magbabantay ng bags namin.
Naghiwalay hiwalay na kaming tatlo para sa paghahanap ng libro.
Nandito ako ngayon sa isang shelves na punong puno ng libro.napatingin ako sa taas ng shelves kung saan may nakalagay na 'family history books',
Ahh so about pala sa...pamilya to? Napangiti ako ng mapait.
"Ano pang ginagawa ko dito? huh " Mahinang bulong ko at tinalikuran na ang shelve na yun. What a waste of time kung ipagpapatuloy ko lang ang pagtingin tingin sa
Mga libro na yun.
Lumipat ako sa isang shelves ng mga libro and this time these books are about fantasy.
Hmm not bad?.
Kumuha ako ng isa yung makapal sa lahat at napagdesisyunan ng bumalik sa upuan namin.
Habang papalapit ako sa table ay natanaw ko na ang Dalawang bruha na nakaupo na sa table namin.
Umupo na ko sa tabi ni jory at nasa tapat namin si leslie at angel. At itong tatlo? Ayun busy sa pagc-cellphone, ginawa pang pangharang ang mga librong hawak nila mga baliw talaga.
"Hoy mga bruha pag kayo nahuLi huli.ma b-ban tayo dito sa library."
Well legit naman talaga eh. Nakalagay sa rules and regulation yun.
Pag nakatatlong beses kang labag, hindi ka na pwede pumasok sa library, you can still borrow a book but if you want to stay in library? Hindi na pepwede.
"Shhh wag ka na lang magulo diyan jen.magbasa ka nalang"
Napataas nalang ako ng kilay kay leslie.
"Bahala kayo."
I said. At binuklat na ang librong hawak ko.balak ko tong hiramin dahil mahilig talaga ko magbasa. One of my hobbies actually. '
halos kalahating minuto na kaming nandito sa library.
I close the book after i read some chapters. Naglagay muna ko ng palatandaan dahil babasahin ko mamaya. at sadyang may makulit lang talaga na kalabit ng kalabit sakin ngayon.
Nilingon ko si jory na nakatingin sa labas.
"Beh..may Nakatingin sayo oh."
Huh?
nagtataka pa ko sa itsura niya dahil para siyang kinikiliting ipis.
Nang mapalingon ako sa tinitingnan niya..
Kulugo?...and his company?
Nakasandal sila ngayon sa isang poste sa tapat mismo nitong pwesto namin at dahil gawa sa glass wall itong library ay kitang kita talaga ang mga tao sa loob at labas.
Kitang kita ko ang apat na lalaki na nakatayo habang preskong nakasandal sa poste at umiinom ng in can softdrinks.
Gosh! B-bakit ba kailangan pang tumitig siya sa pwesto namin habang nilalagok Niya yung coca cola in can niya?!
Napaiwas nalang ako ng tingin at pasimpleng tumingin sa wrist watch ko.
Thank you Lord! Buti nalang malapit na din mag time.
Agad akong kinalabit ang mga bruha habang binibitbit ang bag ko at niyakap ang makapal na librong hawak ko na mas makapal pa sa mukha este kilay ni kulugo.
Pumunta ako sa table nung librarian at pinaalam ang librong hihiramin ko.
Nagsulat ako sandali sa isang form at umalis na dun.
"Mga beh tara na."
Nauna na kong maglakad at sumunod naman sila.
"Hoy babae! Bakit ka ba nagmamadali!?" Sigaw ni angel ng makalabas na kami sa library.
Nilingon ko siya habang napapapikit dahil malapit na kami sa pwesto ng mga kulugo.
chapt.3 Stick
Start from the beginning
