"S-saan ka galing, Mr. C-cloud?"

Ngumisi siya sa'kin. "Diyan lang. Ito na ang tuwalya mo."

Kahit na litong lito na ako sa mga pinagsasabi niya ay sinunod ko pa rin ang gusto niya. Tinanggap ko ang tuwalya at ipinulupot sa katawan ko. Narinig ko pang tumunog ang cellphone niya na agad niya namang sinagot.


"I swear if you're gonna be bossy again. I'm not going to cook for you, Lord Jacques." masungit niyang sagot.

Ay! Shutangina! Si Marquess ba ang kausap niya sa phone? 'Yung hot spoiled bachelor na butler ni Sweet Monday?! Paker! Ano ba talagang nangyayari sa Earth?!

Nag-ayos ako sa loob kahit na nanginginig ako sa gulat sa mga nangyayari. Nagsuklay ako at inayos ang sarili. Hindi ko na rin naririnig ang boses ni Cloud the butler sa labas.

Nakangisi ako habang binubuksan ang pintuan ng c.r. ko.

"Clou-"

"Seryoso? Seven thirty na at hindi ka pa rin bihis!" nanggagalaiting sigaw ni Bonita sa akin.

Nakaporma na siya at mukhang kanina pa naghihintay sa'kin.

"Nasaan na si Cloud?" tanong ko sa kanya. Wala na nga si Cloud sa kwarto ko.

"Sinong Cloud?" she glared at me. Pulang pula ang labi at pinahidan pa ng floorwax ang mga pisngi.

"Nandito lang si Coud kanina 'eh! Inabutan ako tuwalya para hindi ako ma late sa school!" paliwanag ko sa kanya. Wala na talaga si Cloud sa kwarto ko.

"Sabog ka ba? At anong nangyari dito sa kwarto mo?"

"Ano 'yan? Floorwax?" tinuro ko mukha niya. Mukha siyang si Annabelle. Ang sagwa pa ng damit n suot.

Naka-croptop siyang may design na Chanel. Charot, fake 'yan mga sizst. Tapos naka-ripped jeans na kita halos lahat ng binti at hita niya.

"Saan ang party?" sarkastiko kong tanong.

Mamaya ko nalang hahanapin si Cloud. Baka nasa aparador ko lang.

Nagsuot ako ng maluwang na maong pants at kulay mint green na longsleeves. Mabuti na 'yong komportable sa damit. Mainit pa naman.

"Saan ang simba?" pambabara niya sa akin.

Umirap ako sa kanya at humarap sa tukador. Nag-ayos ako sa sarili at nag-polbo. Ayos na agad. Natural lang. Walang ganda.

"Try mong mag-liptint, beh." she offered me her hot red liptint. Agad akong tumanggi. Ayokong magmukhang vina-cuum ng isang oras ang nguso ko sa sobrang pula. Baka akalain ng ibang tao may lumaplap sa akin na halimaw.

Panay ang sermon ni Mama pagbaba ko. Hindi pa nakuntento at kinurot pa ako ng isang beses bago kami tumulak paalis.

Twenty minutes kaming nag-commute ni Bonita bago nakarating sa National High School ng lugar namin. Pero habang nasa biyahe kami ay ikwinento ko kay Bonita ang nangyari sa akin kaninang umaga.

Humagalpak ng tawa si Bonita pagkatapos kong ikwento sa kanya ang lahat.

"Baliw ka na nga!" hawak niya pa ang tiyan niya at parang mamamatay na sa katatawa.

Something Special Between Ikaw at AkoWhere stories live. Discover now