Chapter Three

2 2 0
                                    


Pakyotoososyal

"Adelia Coraline! Isang-isa ka na lang sa'kin! 'Pag hindi ka pa bumangon diyan bubuhusan na kita ng kumukulong tubig! Tandaan mo 'yan!"

Naalimpungatan ako dahil sa sigaw ng dragon sa panaganip ko. Tamad akong bumangon at inilibot ang tingin sa magulo kong kwarto.

"T-teka-"

Anong nangyari sa kwarto ko at bakit parang dinaanan ng bagyo! Ang gulo-gulo ng mga naka-arrange kong collection ng libro.

"Pakeng shet.." gusto kong maiyak ng nakita ang sinapit ng mga printed book covers ng mga paborito kong libro.

Nagkagutay-gutay at parang nasunog ang bawat gilid. Nakatakas ang isang butil ng luha sa aking mata. Pakeng shet! Legit na mas masakit pa sa kurot ni Mama. Oo, collection ng libro. Book covers. Hindi ko pa kasi afford ang bumili ng tunay na libro kaya pri-nint-out ko nalang ang mga book covers ng bawat isa. Masaklap pa ang nangyari at nasira. Putragis!

"Ada! Isa p-"

Nilingon ko si Mama na may bitbit na sandok at ready na akong singhalan. Nagulat siya sa sitwasyon ng kwarto ko.

"Anong nangyari dito? May nag-rambulan ba dito sa kwarto mo, Ada?!"

Ano bang nangyari sa akin kagabi? May nakaaway ba akong pusang gala sa loob ng kwarto ko at nagkaganito.

"Ano pang tinutunga-tunga mo diyan! First day of school ngayon! Nandiyan na si Bonita sa labas!" padabog niyang isinara ang pinto.

Unang araw nga pala ng eskwela. Putek! Malapit nang mag-alas syite y media. Late na ako!

Kahit na naguguluhan ay pumasok na ako sa c.r para maligo. Lintek at malas pang nakalimutan kong magdala ng tuwalya. Bukas pa naman ang bintana na nakaharap sa daan. Kahit na mag-ala Naruto ako dito sa pagtakbo makikita pa rin ng mga nasa ang labs ang naked glory ko. Rowt!

Tahimik kong minumura ang simula ng araw ko. Malas na malas! Bwesit!

"Ma! Paabot ng tuwalya!" sigaw kahit alam kong imposible niya akong marinig. Basta ako nag-uutos nabubungol na si Mama.

"Kainis naman 'eh! Malas na malas!" binuksan ko ang pinto at dahan-dahang sumilip. Ang tuwalya ko ay nakasampay sa salamin malapit sa aparador ko. Sinilip ko pa ng isang beses ng bukas na bintana bago umambang tatakbo.

Natigil ako sa pagbuwelo ng may tumambad na tuwalya sa mukha ko. Hindi ko pa niluluwagan ang pagbukas ng pintuan ng c.r.

Ngumisi ako, "Salamat Mamaaa.."

"I am certain that my name is not 'Mudra', Lady Ada." isang baritonong boses ang nagpaigtad sa akin. Muntik pa akong madapa sa pagkakadulas at buti nalang ay napakapit ako sa dooe knob ng pinto.

Oh my God! Is this freaking real?!

Standing in front me is a foreign man on his bestest suit. Medyo magulo ang buhok at masyadong matangkad para sa kwarto kong maliit lang. May hawak na tuwalya at magalang na nakangisi sa akin habang inaabot ito sa akin.

"You'll catch a cold, Lady Ada. Quickly cover yourself with this fresh towel. You're going to be late in your first day in school, I see..." Mr. Cloud Sebastian Beaumont said calmly.

Ang gwapoooooo!

"H-ha?" nautal pa ako.

Anong nangyayari at bakit parang nananaginip pa rin ako ngayon? Bakit nasa harapan ko ang butler ni Knight Velasquez at inaabutan ako ng tuwalya. Nakahubad ako kaya bakit may lalake dito sa kwarto ko?

Something Special Between Ikaw at AkoWhere stories live. Discover now