He licked his lower lip. Ngumuso siya nang makitang nakatitig pa rin ako sa kaniya.

Magsasalita na sana ako ngunit isang babae ang sumulpot at ikinawit agad ang kamay sa braso ni Drain.

"Hi! Tara na?" Si Ash na takang napatingin sa amin.

Huminga ako ng malalim at nakaisip agad ng gagawin. Tiningnan ko si Drain na nanatili sa akin ang mga mata. Ngumuso ako.

Babe ka diyan! E may Ash ka! Hmp!

Hindi ako nagpaalam at tumalikod na. Nangangatog ang mga paang naglakad ako papunta sa gate. Hindi ko na sila nilingon. Narinig ko pa ang pagpaalam ni April at saka sila sumunod sa akin.

"Yiee! Kinikilig ako!" Si April nang maabutan ako. Mabilis ang lakad niya para makasabay sa akin. "Grabe! Kanina pa ako kinikilig! Lalo na nung sinabi niya 'yung babe!"

Tiningnan ko siya at nahagip ng tingin ko si Reggie na nakataas ang kilay sa akin. Ngumuso ako. Lumapit siya at inakbayan ako.

"Sino 'yun? Boyfriend mo?"

"A-Ahm.."

"Crush niya iyon, Rej!" Hagikhik ni April.

Hindi na nagsalita si Reggie at iginiya lang ako sa sasakyan niya. Sa front seat niya ako pinasakay kaya sumimangot si April at sa likod sumakay.

"Dapat dito si Je!" Reklamo niya.

"Manahimik ka, AJ." Si Reggie at binuksan na ang pinto sa driver seat.

Nagtaka ako at napatingin sa kamay ko. " Ang bag ko?"

Umirap lang si April at napatingin sa hawak niya. "Gaga ka! Nag walk out, hindi dinala ang bag! Pasalamat ka kinuha ko!" Inabot niya 'yun sa'kin.

Ngumiti agad ako at kinuha. "Thank you, April! Mwah!"

Umirap lang siya at umayos na ng upo. Ilang sandali pa'y nabiyahe na kami papunta sa kung saan nila gustong kumain.

"Saan tayo?" Si Reggie.

" Diyan na lang sa malapit na cafe. Para makauwi agad tayo." Sagot ni April.

Kinuha ko muna ang cellphone para maitext si Mang Fred na hindi ako magpapasundo.

Nag-uusap na ang dalawa.Hindi naman ako makasabay sa pinag-uusapan nila dahil kung saan-saan  napadpad ang ang isip ko.

Naalala ko ang itsura ni Drain. Mukha siyang... galit? Bakit naman siya magagalit? Diba sabi niya, itigil ko na 'yung ginagawa ko? E..bakit ganoon?

Nagseselos siya?

At bakit siya magseselos?

Hindi kaya...may gusto siya sa'kin?

Kung ganoon nga, bakit sinabi niya na tigilan ko na ang ginagawa ko? May gusto siya kay Ash diba? Ano 'tong ginagawa niya? Pinag-lalaruan ako?

Huminga ako ng malalim at inisip pa rin ang kanina. Iyong reaksyon niya. Ang mga tingin niya sa akin. Ang titig niya sa tuwing hahawakan ako ni Reggie. Ano 'yun? Parang tanga naman, Drain!

"Babe, let's go."

Napapikit ako at para akong sinisilaban. May kung anong masarap na pakiramdam ang idinulot noon sa sistema ko.

Babe? Cs namin? Oh my gosh!

"Ano iyan?" Binatukan ako ni April.

Napamulat ako at inis siyang tiningnan. "What?!"

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now